Peace building at BARMM, kabilang sa iuulat ng Mindanao bishops kay Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 288 total views

Naghahanda na ang pamunuan ng Archdiocese of Cagayan de Oro sa nakatakdang ad limina visit ng mga Filipinong obispo kay Pope Francis sa Roma.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma kabilang sa kanilang ninanais na ibahagi at ipagbigay-alam sa Santo Papa ay ang mga programa ng akridiyosesis kabilang na ang usapin ng pagsusulong ng kapayapaan at pagpapatatag ng pundasyon ng pamilya.

Ayon sa Archbishop Ledesma na siya ring Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations, kabilang sa kanyang ibabahagi kay Pope Francis ay ang pagsisikap ng arkidiyosesis na maisulong ang pagkapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Katoliko at Muslim lalo’t higit matapos ang pagkakatatag ng panibagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa rehiyon.

“Well sa amin, we would like to report about the peace building efforts lalong lalo na with the Muslim communities after the creation of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, another report that we could give as for the Archdiocese is our active program on Natural Family Planning and Responsible Parenthood and this through our trainees have been able to share it with several other dioceses that have gone training through our seminar,” ang bahagi ng pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ng Arsobispo, kabilang ang mga Obispo ng Mindanao at ng Archdiocese of Lipa sa ikatlong batch ng mga obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na magtutungo sa Roma para sa Ad Limina visit kay Pope Francis.

“Kasama kami sa 3rd Batch ng mga Mindanao Bishops and Bishops from Lipa Archdiocese that is in the middle of this year, sabi nila ang schedule is around June,” ayon pa sa Arsobispo.

Nauna ng inihayag ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles na hinati sa tatlong grupo ang mga Filipinong Obispo na makikibahagi sa nakatakdang Ad Limina visit kung saan ang unang grupo na binubuo ng mga taga-Luzon ay nakatakda sa kalagitnaan ng Mayo, ang ikalawang grupo naman ay magmumula sa Visayas ay sa mga huling bahagi ng Mayo at ang ikatlong grupo na mula Mindanao at Arkidiyosesis ng Lipa ay nakatakda sa pinakahuling linggo ng Mayo hanggang ika – 7 ng Hunyo.

Ang Ad Limina ay ang regular na pakikipagpulong ng mga Obispo ng iba’t ibang bansa sa Santo Papa na ngayong taon ay nakatalaga para sa mga Obispo ng Pilipinas.

Inaasahan naman ang pananatili ng mga Filipinong Obispo sa Pontificio Colegio Filipino sa Roma.

Sa kasalukuyan ang CBCP ay binubuo ng higit sa 90 aktibong obispo mula sa 86 na arkidiyosesis sa buong bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 311 total views

 311 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,672 total views

 25,672 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,300 total views

 36,300 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,321 total views

 57,321 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 76,026 total views

 76,026 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top