452 total views

Mga Kapanalig, hindi katulad ng pera ng mga pribadong kompanya at organisasyon, malaking bahagi ng perang pinangangasiwaan ng gobyerno ay mula sa binabayaran nating buwis. Obligado tayong magbayad ng buwis kapag tayo ay may kinikita mula sa ating mga rehistradong negosyo o kabuhayan. Kaltas din agad ang buwis sa tuwing matatanggap nating mga manggagawa ang ating sahod. Sa ating mga mamimili rin ipinapasa ang buwis sa mga binibili nating produkto at tinatangkilik na mga serbisyo. Lahat ng buwis mula sa mga mamamayan ay tinitipon ng gobyerno para gamitin naman sa mga serbisyo publiko, mga imprastraktura, at mga programang pakikinabangan dapat ng mga nagreretiro at ng mga higit na nangangailangan. 

Kaya walang dapat pagtatalo kapag inuungkat natin kung saan planong gamitin o saan ginamit ang perang ipinagkatiwala natin sa pamahalaan. Pera natin ‘yan! 

Ang pagbubusisi sa badyet na ipinagkakaloob sa mga ahensya ng gobyerno ay trabaho ng ating mga mambabatas. Bahagi iyan ng tinatawag nating checks and balances sa mga sangay ng pamahalaan. Tinitiyak ng mga itong ang mga sangay ng gobyerno ay hindi lumalampas sa kapangyarihang itinakda sa kanila ng Saligang Batas. Sa usaping badyet, nakaatang sa lehislatura ang pagpapasá ng pambansang badyet, pero bago ito gawin, kailangan munang humarap sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan at sa Senado ang ehekutibong sangay ng gobyerno upang ipaliwanag upang kung bakit kailangan nila ang hinihiling nilang pondo.  

Ang malungkot, naging kalakaran na sa mga mambabatas natin ang magbigay ng tinatawag na “parliamentary courtesy.” Kung pinapanood ninyo ang balita nitong mga nakaraang linggo, bukam-bibig ang parliamentary courtesy ng mga mambabatas na tumalakay sa inihaing badyet ng opisina nina Pangulong Bongbong Marcos at Bise-Presidente Sara Duterte. Hindi na nila binusisi ang panukalang pondo ng opisina ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa bilang paggalang daw sa kanila. Para din daw hindi sila ipahiya.1  

Sa pagbibigay ng parliamentary courtesy na ito, nawalan ang taumbayan ng pagkakataong alamin kung bakit gusto ng dalawang opisinang ito na ilagak ang ating buwis sa tinatawag nilang confidential and intelligence funds. Sa ilalim kasi ng 2024 National Expenditure Program, humihiling ang Office of the President ng halos limang bilyong pisong confidential at intelligence funds. Ang Office of the Vice President naman ay gusto ring humingi ng kalahating bilyong pisong confidential funds.2 Dahil nga confidential, hindi ito dadaan sa standard procedures ng Commission on Audit (o COA) na may mandatong suriin ang mga pinansyal na transakyon ng gobyerno. Ang COA ang nagtitiyak na alinsunod ang paggastos sa pera ng bayan sa mga alituntunin at mga batas. Salamat sa parliamentary courtesy, mabilis pa sa alas kuwatrong nakuha nina PBBM at VP Sara ang kanilang confidential and intelligence funds mula sa buwis sa pinag-ambag-ambagan natin. 

Mula sa lente ng panlipunang turo ng ating Santa Iglesia, obligasyon ng gobyernong itaguyod ang kabutihang panlahat o common good, at kaakibat nito ang pagtiyak na ang lahat ng ginagawa nito ay hindi sumisira sa tiwalang ibinibigay ng taumbayan. Kung mahalaga ang tiwalang ito, hindi ba dapat bukás ang ating mga lider na ipaalám sa atin kung saan nila gagamitin ang perang galing sa atin? Kung wala silang itinatago, hindi ba dapat matapang silang makasasagot sa mga nagtatanong ng karagdagang detalye sa kanilang panukalang badyet? Hindi ba ang mas dapat bigyan ng courtesy o paggalang ng mga bumubusisi ng badyet ay ang taumbayang nagbabayad ng buwis?  

Mga Kapanalig, ang nais ng Panginoon sa atin, wika nga sa Mga Awit 51:6, ay “isang pusong tapat”. Katapatan din sana ang hanapin natin sa ating mga lider na humahawak at bumubusisi sa perang bunga ng ating pagsusumikap at ng pagtupad natin sa ating tungkulin bilang mamamayan ng bansa.  

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 61,781 total views

 61,781 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 65,760 total views

 65,760 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 76,652 total views

 76,652 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 89,094 total views

 89,094 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 99,856 total views

 99,856 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 61,782 total views

 61,782 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 65,761 total views

 65,761 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 76,653 total views

 76,653 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 89,095 total views

 89,095 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 99,857 total views

 99,857 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,359 total views

 51,359 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 50,904 total views

 50,904 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,128 total views

 53,128 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,628 total views

 46,628 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 45,979 total views

 45,979 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 51,847 total views

 51,847 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,593 total views

 55,593 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,543 total views

 61,543 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,730 total views

 41,730 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 52,849 total views

 52,849 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top