Kaisahan ng iba’t ibang pananampalataya tungo sa pangangalaga ng Kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,333 total reads

Hindi hadlang ang pagkakaiba ng paniniwala at relihiyon sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Ecumenical Affairs executive secretary Bro. Robert Samson, ang pagpapaigting ng ugnayan sa pagitan ng kristiyanong katoliko at ibang denominasyon ang nagbubuklod sa bawat isa tungo sa pagkakaroon ng mapayapang lipunan.

Kabilang si Samson sa mga nakibahagi sa matagumpay na unang taon ng Ecumenical Walk for Creation 2023 na ginanap sa Christ the King Mission Seminary sa Quezon City.

“Kaya maganda ‘yung sinabi ni [Fr. Michael Flores, OFM Cap.] na i-upgrade natin ‘yung interconnectedness which means i-upgrade ‘yung reciprocal life natin for one another. Kasi ‘yun ang strength ng ecumenism e. From there, they will know that you are my disciples if you love one another. So, if na-increase natin ‘yun, among us, it follows even the care of creation kasi alam namin yung pangangailangan ng isa’t isa.” bahagi ng pahayag ni Samson sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi ng opisyal ng CBCP na isang halimbawa ng magandang ugnayan sa pagitan ng ibang denominasyon ang layuning sama-samang pagkilos bilang mabubuting katiwala ng sangnilikha alang-alang sa kapakanan ng kalikasan at ng mga susunod pang henerasyon.

Hinikayat naman ni Samson ang mga mananampalataya na sa pagdiriwang ng Season of Creation ay higit pang pagnilayang mabuti ang mga pagpapasya lalo na kung makakaapekto sa inang kalikasan.

Tinukoy din ang sapat-lifestyle na tinuturuan ang lahat na maging matipid, at maiwasan ang pag-aaksaya at paglikha ng basura bilang bahagi ng tungkuling pangalagaan ang kapaligiran.

“Kaya napakaimportante na kung ano ‘yung nasa paligid natin ay kailangang pangalagaan natin. Inaanyayahan natin talaga ang lahat na gawin n’yo na makita n’yo na ang buong kalikasan ang buong sangnilika ay ang ating tahanan. At tayo ang tagapagtaguyod, tagapangalaga na ginawa ng Panginoon. malaking karapatan yan at malaking responsibility and duty.” ayon pa kay Samson.

Maliban sa CBCP-ECEA, nakatuwang ng Laudato Si’ Movement Pilipinas sa Ecumenical Walk for Creation ang Philippine Council of Evangelical Churches, at National Council of Churches in the Philippines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 22,105 total reads

 22,105 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 56,325 total reads

 56,325 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 92,807 total reads

 92,807 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 111,019 total reads

 111,019 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 194,174 total reads

 194,174 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 82,108 total reads

 82,108 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top