Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total reads

Kapanalig, ang boses ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ay malakas at maigting sa ating bayan, kahit gaano pa man sila kalayo.

Salamat sa social at tradisyunal na media, ang kanilang mga opinion at hinaing ay mas naririnig na ngayon. Hindi kagaya ng dati kung saan ang mga OFWs ay nakadepende sa postal mail. Ngayon, dahil sa teknolohiya, nakakasama na natin sila at nakaka-ulayaw kahit araw araw pa.

Ngunit hindi nito mapapantayan ang saya na kasama ang pamilya. Hindi nito mapapantayan ang “presensya.” Kapanalig, mas masakit para sa  maraming OFWs ang umalis kaysa sa mga naiwanan dito sa bansa. Ang mga kaanak na naiwan, tuloy lamang ang buhay, at mas lumalakas ang suportang pinansyal. Isa lamang ang nawalay. Sa mga OFWs, lahat ay iniwan, pati ang nakagawiang buhay.

Kaya sana ay bigyang halaga ng mga naiwang pamilya ng OFWs ang perang padala sa kanila. Hindi lamang ito bumubuhay ng kanilang pamilya, bumubuhay din ito ng ekonomiya ng bansa. Ngayong Agosto, tumaas ng 16.3% ang remittances ng mga OFWs. Katumbas ito ng $2.3 billion. Noong Agosto 2015, umabot ng $1.994 billion ang kanilang padala.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot ng 2.4 million ang bilang ng mga OFWs noong Abril hanggang Setyembre 2015. 97.1% nito ay may mga kontrata, habang 2.9% ang wala. 17.9% ng ating mga OFWs ay mula sa CALABARZON, habang 15.1% ay mula sa Central Luzon at 11% ay mula sa National Capital Region. Mas maraming babaeng OFWs kaysa mga lalake. Base pa rin sa datos ng PSA, dalawa lamang sa limang OFWs ang nakapag-impok mula sa kanilang cash remittances.

Ang pag-impok ng mga pamilya ng OFWs ay isa sa weaknesses o kahinaan natin. Hindi rin naman natin masisi ang mga kaanak ng mga OFWs dahil kalimitan, mababaon muna sa utang ang pamilya bago pa man makaa-alis patungo sa ibang bansa. Kaya marami sa ating mga OFWs, bayad utang muna ang mga paunang sweldo na kanilang matatanggap. Matagal pa bago mararamdam ang ginhawa mula dolyar. Ang financial literacy rin kapanalig, ay isang konseptong hindi nababahagi o napapa-alam sa mga pamilya ng OFWs.

Sa ganitong aspeto, kapanalig, malaki ang matutulong ng estado o pamahalaan. Ang pag-gabay at pagbantay sa proseso ng pag-a-apply ng trabaho sa abroad ay malaking tulong para sa maraming Pilipino. Makaka-iwas sila sa mga illegal recruiters at illegal fees. Ang pag-a-alalay rin sa nagbabalik na OFWs ay isang aspeto kung saan maraming magagawa ang pamahalaan. Kung susuriin ang datos, malaking porsyento ng OFWs ay mga bata pa. Nasa edad 25-29 ang pinakamalaking bilang ng mga OFWs (25.8%) at sunod ang nasa edad 30-34 (23.2%). Marami sa kanila ay wala pang karanasan sa pasikot-sikot na proseso ng aplikasyon para sa trabaho sa ibang bansa, maski ng pagnenegosyo sa loob ng bansa kung sila ay nagbalik na.

Ang perang padala ng mga OFWs ay hindi lamang material na bagay. Ang totoo, simbolo ito ng kanilang pagmamahal. Pangalagaan natin ito. Pangalagaan natin sila. Huwag nating hayaan na pagbalik nila sa bansa, wala silang maasahan na ipon o kabuhayan. Niyuyurakan natin ang kanilang dangal sa pagbalewala sa kanilang pinaghirapan.   Ayon nga sa Deus Caritas Est: Within the community of believers there can never be room for a poverty that denies anyone what is needed for a dignified life. Tinulungan tayo ng OFWs na maingat ang buhay ng maraming Pilipino. Huwag naman natin sila ibaon sa utang at limot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 19,601 total reads

 19,601 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 106,492 total reads

 106,492 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 153,231 total reads

 153,231 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 201,103 total reads

 201,103 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 304,132 total reads

 304,132 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 19,602 total reads

 19,602 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 106,493 total reads

 106,493 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 153,232 total reads

 153,232 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 201,104 total reads

 201,104 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top