Higit P2-milyon, paunang tulong ng Simbahan sa naapektuhan ng Bagyong Lawin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 416 total views

Nakahanda na ang mahigit P2milyon na pondo ng Simbahang katolika para agad na itulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Lawin.

Ayon sa NASSA/Caritas Philippines, ang nasabing pondo ay mula sa Alay Kapwa Program na siyang kinokolekta tuwing panahon ng Kuwaresma at inilalaan para sa mga magaganap na kalamidad tulad ng Bagyo.

Sa kasalukuyan, patuloy ang assessment ng iba’t-ibang diyosesis upang malaman ang tulong na kailangan ng mga apektadong residente lalo na ang mga mahihirap at walang kakayahang bumangon mula sa matinding pinsala ng bagyo.

Katuwang ng Caritas Philippines maging ang mga institusyon ng Simbahang Katolika mula sa ibang bansa gaya ng Caritas Spain at Caritas Luxembourg na nagpahayag na ng intensyon na tumulong sa mga naapektuhan ng nasabing bagyo.

Kasalukuyan na rin nasa Isabela ang grupo ng Catholic Relief Services o Caritas USA para magsagawa ng rapid assessment at alamin ang tulong na kakailanganin ng mga apektadong diyosesis.

Una na rin inihayag ng Caritas Manila at Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na tutugon sila sa pangangailangan ng mga apektadong lalawigan.

Matatandaang tuwing panahon ng Kuwaresma ay hinihimok ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ang mga mananampalataya na magbahagi ng anumang halaga sa programa ng Alay Kapwa na inilulunsad sa lahat ng mga Diyosesis sa buong bansa.

Dahil dito, ang Simbahan at mga insititusyon nito ay laging handa tumulong at ipinapakita ang misyo nito ng pagmamalasakit sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.

Tinatayang aabot sa mahigit 24,000 pamilya o mahigit 104,000 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyong lawin sa 6 na rehiyon sa bansa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 7,586 total views

 7,586 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 35,937 total views

 35,937 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 103,667 total views

 103,667 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 126,818 total views

 126,818 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 196,453 total views

 196,453 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 92,123 total views

 92,123 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top