Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 114,259 total reads

Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’ o sabi-sabi lamang.

Kapanalig, sang-ayon ka ba sa pagmamalaki ng FBI? Maaring bigyan natin ng “benefit of the doubt” ang mga law enforcement agencies sa buong mundo na walang perpektong krimen. Pinaniniwalaan nila na ang lahat ng criminal activities ay nag-iiwan ng marka para matukoy, mahuli at maiharap sa batas ang gumawa ng krimen.

Sa Pilipinas, inaalikabok, kabundok o kaya’y nasunog na ang nakaparaming kaso ng “perfect crime”. Sa Pilipinas, maabilidad ang mga criminal. Mas matindi at magagaling ang mga criminal sa ating bayan, katulad nila ay mga “hunyango”, nasa harapan mo na, kilala mo, madalas mong nakikita sa mga TV, pinag-uusapan sa Radyo at nababasa mo ang pangalan sa iba’t-ibang pahayagan, pero hindi mo akalain na sila ay may maitim na budhi.

Sa ating Kongreso Kapanalig, nagaganap ang sinasabing perfect crime. Ilang dekada na kaya? Sa kasaysayan, nagsimula ang unicameral congress (iisang kapulungan). Ito ay Kongreso ng Malolos sa Republika ng Pilipinas noong pang 1898-1899 na sinundan ng Philippine Commission noong 1901.

Sino ang mag-aakalang ang Philippine Congress na binubuo ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ay maituturing na “FIEFDOM” of criminals? Di ba Kapanalig, ang pagnanakaw..pagsisinungaling.. paggamit ng kapangyarihan at pera ng bayan para sa sarili ay isang krimen? Unang nabunyag ang pagnanakaw ng mga mambabatas sa kaban ng bayan noong 2012. Sangkot sa 10-bilyong pisong pork barrel fund scam na kinasasangkutan ni Napoles ang 20-incumbent na Senador, 100-kongresista, mga opisyal ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan, maging ang Office of the President.

Kinasuhan at nakulong ang ilang mambabatas na sangkot sa pork barrel scam.. tulad ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, Ramong “Bong” Revilla Jr., at Jinggoy Estrada na pinawalang-sala sa kalaunan ng korte. Di ba Kapanalig, ito ay maituturing na “perfect crime”?

Dahil sa katiwalian, idineklara ng Korte Suprema ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o kilala sa tawag na pork barrel ng mga mambabatas na unconstitutional noong taong 2013. Bawal na, sabi ng Korte Suprema, maabilidad pa rin ang mga kriminal sa Kongreso, pinalitan lamang ang PDAF ng line budgeting at unprogram appropriation sa national budget ng Pilipinas kada taon. Kapanalig, bago ipagbawal ng Korte Suprema ang PDAF., ang pork barrel funds noon ng isang Senador ay 200-milyong piso habang sa mga Kongresista ay 70-milyong piso kada taon. Perfect crime, walang napatunayang nagkasala sa mga mambabatas. Parang naging legal pa ang pagnanakaw ng mga mambabatas sa kaban ng bayan.

Dahil perfect crime ang pagnanakaw sa kongreso, makalipas ang 13-taon…Ito naman,. ibunyag ni Senator Panfilo Lacson na ang ilang kongresista ang tumatanggap ng 15-bilyong pisong pork barrel habang ilang Senador ay nakakuha ng lima(5) hanggang 10-bilyong pisong pork barrel. Ang sabi ng Senador, “they are back with a vengeance”. Ang garapalang pagnanakaw ay natuklasan ni Lacson sa pagbusisi sa panukalang 2025 national budget. Por Dios por Santo Kapanalig, ang maliit na barangay ay tumanggap ng 1.9-bilyong pisong budget allocation at isa pang maliit na bayan ay pinaglaanan ng 10-bilyong pisong budget! Kawawang mga Pilipino.

Tandaan Kapanalig, sinasabi ng PROVERBS 11:1: “The Lord detests dishonest scales, but accurate weights find favor with him.” This verse highlights the importance of honesty in business practices.

Binibigyan diin din sa ISAIAH 33:15: “He who walks righteously and speaks what is right, who rejects gain from extortion and keeps his hand from accepting bribes”.

Sumainyo ang Katotohanan.

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 2,106 total reads

 2,106 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 9,098 total reads

 9,098 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 46,478 total reads

 46,478 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 77,749 total reads

 77,749 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 154,715 total reads

 154,715 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 248,516 total reads

 248,516 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 9,099 total reads

 9,099 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 46,479 total reads

 46,479 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 77,750 total reads

 77,750 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 154,716 total reads

 154,716 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top