Bishop Uy, itinalagang arsobispo ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,329 total views

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Leon XIV si Tagbilaran Bishop Alberto Uy bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Cebu.

Isinapubliko ng Vatican ang appointment nitong July 16 kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Mt. Carmel.

Si Archbishop-designate Uy ang hahalili kay Archbishop Jose Palma makaraang maabot ang mandatory retirement age ng isang obispo na 75 taong gulang noong March 19, 2025 makalipas ang 14 na taong paninilbihan sa arkidiyosesis.

Tubong Ubay, Bohol ang bagong arsobispo at nagtapos ng kanyang philosopy sa Immaculate Heart of Mary Seminary sa Tagbilaran City, theology naman at master’s degree ng pastoral ministry sa St. John Mary Vianney Theological Seminary sa Cagayan de Oro City habang licentiate ng sacred theology sa Loyola School of Theology sa Quezon City.

Inordinahan si Archbishop-designate Uy noong 1993 sa Diocese of Talibon at ginampanan ang iba’t ibang tungkulin sa diyosesis.

Noong 2002 hanggang 2006 nagtungo ng Roma ang arsobispo at nagtapos ng doctorate in sacred theology sa Pontifical Gregorian University.

Matatandaang OCtober 2016 nang italaga ni noo’y santo papa Pope Francis si Archbishop designate Uy bilang obispo ng Tagbilaran kahalili sa nagretirong si Bishop Leonardo Medroso.

January 5 nang gawaran ng episcopal ordination ang obispo sa pangunguna ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle na noo’y arsobispo ng Manila at iniluklok sa cathedra ng Tagbilaran January 6, 2017.

Ipapastol ni Archbishop designate Uy ang humigit kumulang limang milyong kawan ng buong lalawigan ng Cebu katuwang ang 375 diocesan priests at 278 religious priests sa mahigit 170 mga parokya.
Kasunod nang appointment nasa limang ecclesiastical territory ang sede vancate sa Pilipinas ang Boac, Kalibo, San Jose sa Nueva Ecija, Tabuk at ang Tagbilaran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 127,017 total views

 127,017 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 157,239 total views

 157,239 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 183,887 total views

 183,887 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 278,860 total views

 278,860 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 291,674 total views

 291,674 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top