Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pilipinong Pari, itinalaga sa Franciscan’s Justice and Peace sa Roma

SHARE THE TRUTH

 517 total views

Itinuturing na biyaya ni Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angelito Cortez, OFM ang pagkakatalaga sa kanya bilang bagong Vice Director ng Order of Friars Minor o Franciscans Justice, Peace, and Integrity of Creation (JPIC) Office sa Roma.

Ayon sa pari muling naipamalas ng Panginoon sa kanyang buhay ang surpresang pagpapala na sa kabila ng kanyang mga kakulangan ay patuloy ang tiwala ng Diyos sa kanyang kakayahan bilang tapat na lingkod ng Simbahan.

Ayon kay Fr. Cortez, isa rin ito sa higit na nagpakulay sa kanyang buhay pananampalataya at paglilingkod bago magtapos ang taong 2020 na nagdulot na maraming mga pagsubok sa krisis na idulot ng pandemya.

“Ang puso ko ay nag-uumapaw sa pasasalamat sa Diyos sa lahat ng biyaya na aking tinangap ng buong taong 2020 kahit na kabi-kabila ang pagsubok at mga sakuna, hindi ko inaakala na magtatapos ito sa panibagong pamamaraan ng paglilingkod. Ang Diyos may mga bagay na nakikita sa atin na hindi natin nakikita kaya mapapatahimik na lang tayo at magtatanong karapatdapat ba ako?” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Cortez, OFM sa panayam sa Radyo Veritas.

Tiniyak naman ng Pari ang pagsusumikap na magampanan ang kanyang bagong tungkuling hindi lamang para sa kongregasyon kundi para sa buong Simbahang Katolika.

Ayon kay Fr. Cortez, buo ang kayang tiwala sa paggabay ng Panginoon upang mapagtagumpayan ang mga hamon na hatid ng kanyang bagong posisyon at paraan ng paglilingkod sa Simbahan at sa Panginoon.

Itinuturing naman na inspirasyon ng Pari ang pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa kanyang malalim na pananampalataya na nakapagbibigay buhay sa kabila ng pagkawalay at pagkalayo sa pamilya tulad ng maraming mga misyunero na ibinahagi sa Mabuting Balita ng Diyos sa iba’t ibang bansa.

“I am humbled with this assignment but I will try my best to be the best that I can be for the church and for my congregation. Nakakintal dito sa puso ko ang lahat ng makulay na karanasan kasama ng lahat ng mga kapanalig na nagpapaalala na totoong buhay ang Diyos at hindi nya tayo pinababayaan,” dagdag pa ni Fr. Cortez.



Ibinahagi rin ni Fr. Cortez na dahil sa patuloy na banta COVID-19 pandemic ay pansamantala muna niyang tutupdin ang kanyang mga bagong tungkulin sa tanggapan sa Roma sa pamamagitan ng pansamantalang “work from the country” kung saan mananatili pa rin siya bilang Co-Executive Secretary AMRSP.

Bukod sa pagsisilbi bilang Co-Executive Secretary at National JPIC Coordinator ng AMRSP, si Fr. Cortez din ang kasalukuyang Chairperson ng Franciscan Solidarity Movement for Justice, Peace and Integrity of Creation at aktibo rin sa usapin ng Ecology, Laudato Si at Climate Change advocacy bilang pinuno ng Ecological Justice Interfaith Movement and Fellowship for the Care for Creation Association.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,796 total views

 42,796 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,277 total views

 80,277 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,272 total views

 112,272 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,011 total views

 157,011 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,957 total views

 179,957 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,208 total views

 7,208 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,808 total views

 17,808 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,209 total views

 7,209 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

 61,331 total views

 61,331 total views Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 38,919 total views

 38,919 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 45,858 total views

 45,858 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »
Scroll to Top