Pamahalaan at simbahan, magkatuwang sa pagsusulong ng urban gardening

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 841 total reads

Hinimok ng Department of Agrarian Reform ang simbahan na makipagtulungan sa mga proyektong kapaki-pakinabang sa mga mamamayan.

Ayon kay Agrarian Secretary John Castriciones mahalagang magtulungan ang lahat upang mas lumago at matulungan ang mga mahihirap.

Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng inilunsad na proyektong ‘Buhay sa Gulay’ sa Quezon City.

Nais ni Castriciones na maging kabahagi ang simbahan sa mga proyektong tulad ng urban gardening na isinusulong ng DAR at mga lokal na pamahalaan.

“Gustong gusto natin [DAR] na ang mga taong simbahan ay talagang ma-involve dito [urban gardening]; I am encouraging all different dioceses, all parishes to cooperate with us so that we can work together and we will be able to sustain this kind of project,” pahayag ni Castriciones sa panayam ng Radio Veritas.

Unang inilunsad ang proyekto sa St. John Bosco Parish sa Tondo Manila noong Nobyembre sa halos isang ektaryang football field kung saan nitong Enero umabot sa halos P50, 000 ang kinita para sa 1000 kilo ng iba’t ibang uri ng gulay na inani sa ginanap na harvest festival.

Kinilala ng DAR ang pagtutulungan ng simbahan at pamahalaan sa matagumpay na ‘Buhay sa Gulay’ sa tondo kung saan kumita ito ng 50-libong piso sa unang ani na makakatulong sa pamayanan.



Sa tulong naman ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pamamagitan ni Mayor Joy Belmonte, naglaan ito ng pitong ektaryang lupa sa New Greenland, Barangay Bagong silangan para sa proyekto ng tanggapan na makakatulong na mabawasan ang kahirapan at kagutuman.

Sa taya naman ni Castriciones aabot sa mahigit pitongdaang metriko tonelada ng gulay ang aanihin sa bawat ektarya at kapakipakinabang sa pitumpong residente na direktang benispiyaryo ng proyekto.

Una nang nanawagan ng pagtutulungan ang simbahang katolika sa pamahalaan para sa kapakanan at kapakinabangan ng nasasakupan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 34,273 total reads

 34,273 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 65,545 total reads

 65,545 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 143,328 total reads

 143,328 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,556 total reads

 237,556 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,760 total reads

 296,760 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top