Pagsasariwa sa ‘bayanihan’ ng mga Filipino, ginunita sa anibersaryo ng pagsabog ng Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 709 total reads

Naging maikli at simple ang paggunita sa unang taon ng pagsabog ng bulkang taal na nakaapekto sa mamamayan lalung-lalo na sa lalawigan ng Batangas.
Pinangunahan ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera ang banal na misa at sinariwa ang mga alaala ng mga naglingkod at nagpaabot ng tulong sa mga higit na naapektuhan ng pagligalig ng bulkang taal.
Sa pagninilay ni Archbishop Garcera, pinasalamatan niya ang mga tumulong at naglaan ng panahon upang magpaabot ng suporta sa mga higit na nangangailangan.
Hinimok naman ng Arsobispo ang bawat isa na maglingkod ng may mabuting hangarin, walang halong pag-iimbot, pagiging mababa ang loob at magkaroon ng tiwala sa biyaya at pagmamahal ng Panginoon.
Dagdag pa niya na dahil sa pagtitiwala ng Panginoon ay nagkaroon din ng tiwala ang libu-libong pamilya at indibidwal na kanilang natulungan na nagpalakas naman ng kanilang kalooban at hangarin upang lalo pang tumulong sa mga nangangailangan.
Nagpaabot din ng mensahe si Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) Director Rev. Fr. Jayson Siapco at kinilala ang ipinakitang pagmamalasakit at katatagan ng mga nakatuwang ng komisyon sa pagtulong sa mga kababayang Batangueño.
Hinimok naman ng pari ang bawat isa na patuloy na ugaliin ang pagmamalasakit sa kapwa kahit na ano pang hamon at sakuna ang dumating sa hinaharap.
Batay sa tala, aabot sa 400-libong pamilya na naapektuhan ng pagligalig ng bulkang Taal ang natulungan ng Arkidiyosesis sa pamamagitan ng LASAC. Ika-12 ng Enero, 2020 nang nagsimula ang phreatic eruption o ang pagbuga ng abo ng Bulkang Taal.
Sa tala ng Philvolcs, tinatayang aabot ng 100-metro ang taas ng ibinugang abo ng bulkan na umabot sa mga karatig na lugar tulad ng Cavite, Laguna, Metro Manila at Bulacan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 173,169 total reads

 173,169 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 244,672 total reads

 244,672 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 278,119 total reads

 278,119 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 313,419 total reads

 313,419 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 533,077 total reads

 533,077 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 160,670 total reads

 160,670 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top