Panalangin para sa katatagan at kaligtasan dulot ng pag-ulan, hiling ng obispo ng Borongan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 874 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang Diocese ng Borongan para sa kaligtasan ng mga naapektuhan ng matinding pagbaha at pag-uulan sa Eastern Visayas.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez nawa ay hindi mawalan ng pag-asa at sa halip ay magkaroon ng katatagan ng loob upang makaahon sa nararanasang paghihirap na dala ng mga sakuna.

Tiniyak din ng Obispo na bukod sa panalangin ay handa ring tumulong ang simbahan lalo’t higit sa mga pagkain na kailangan ng mga apektadong pamilya.

“Sa lahat po ng mga affected sa pagbaha ngayon sa Diocese of Borongan, northern part, lalo na sa mga upstream parishes and barangays, huwag po tayong mawalan ng pag-asa. Basta tayo po ay magpakatatag at saka manalangin, unti-unti po tayong makakaahon… Hindi lang sa panalangin ang simbahan na makakatulong kundi nakakatulong din sa materyal na paraan lalo na sa pagkain,” pahayag ni Bishop Varquez sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon pa sa Obispo ay nakahanda naman ang mga parokya na sakop ng Diyosesis na tumulong at magpatuloy sa mga apektadong residente at pamilya habang hindi pa humuhupa ang pagbaha sa ilang bayan.

Nakikipagtulungan din ang simbahan sa lokal na pamahalaan upang mapadali ang pag-rescue at pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang pamilya.

Idinadalangin naman ni Bishop Varquez na nawa’y gumanda na ang panahon sa Diocese at wala nang dumaang kalamidad na muling magdadala ng paghihirap sa mga naninirahan sa Eastern Visayas.

Batay sa ulat ng Eastern Samar Provincial Disaster Risk Reduction Office, umabot na sa 3,000 mga pamilya ang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa limang bayan sa lalawigan dulot ng patuloy na pag-uulan.

Kabilang din ang lalawigan ng Eastern Samar sa mga labis na naapektuhan ng Typhoon Yolanda na nanalasa sa bansa noong 2013.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 34,276 total reads

 34,276 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 65,548 total reads

 65,548 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 143,331 total reads

 143,331 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,559 total reads

 237,559 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,762 total reads

 296,762 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 72,504 total reads

 72,504 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top