1,607 total views
Ayon kay Mayor Honey Lacuna-Pangan sa panayam ng Vertias Pilipinas, ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Sinabi ng alkalde na muling pag-aaralan ang ordinansa sa muling pagsusuot ng facemask sa mga pambulikong lugar upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
“Wala po kaming nakitang pagbaba puro pagtaaas although hindi naman po ganoon kataas as of yesterday (April 17) 91 lang naman po ang confirm cases sa Manila pero kung makikita po namin sa mga susunod na araw na patuloy po ang pagtaas na nakakaalarma na po baka po mapilitan kami na ibalik ang andatory use of facemask,” Ayon kay Mayor Lacuna.
Ayon sa Department of Health at OCTA research, lumalabas na umakyat ng 7.2% ang positivity rate sa buong National Capital Region (NCR), at isa ang Metro Manila sa nakapagtala ng mataas na bagong kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon sa nagdaang dalawang linggo na umabot ng 1,344.
Oktubre ng nakaraang taon ipinatupad ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order No. 7 kung saan boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng facemask sa loob at labas ng establisyemento sa buong bansa.
“May existing na po na ordinansa na maaring amyendahan muli kung saka-sakaling kinakailangan po natin ibalik ang paggamit ng facemask. Dito po sa lungsod ng Maynila madalas naman po regular naman pong pinapaalalahanan ang ating pong mga kababayan na kung hindi naman po sagabal ang paggamit ng facemask ay tuloy-tuloy nila itong gamitin dahil nasa COVID pa rin naman tayo,” ayon pa sa alkalde ng Maynila dagdag pa niya.