Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pinaghatiang paraiso

SHARE THE TRUTH

 247 total views

Mga Kapanalig, sa bisa ng Republic Act No. 11259 na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Abril 5, hinati ang probinsya ng Palawan sa tatlo: Palawan del Norte, Palawan Oriental, at Palawan del Sur. Samantala, magiging hiwalay na siyudad ang Puerto Princesa dahil isa itong highly urbanized city.

Para sa mga lokal na pulitiko ng probinsya na nagsulong ng naturang batas, makatutulong ang paghahati ng probinsya upang gawing mas mabilis daw ang paghahatid ng serbisyo at mga programa. Magbubunsod din daw ito ng higit na pag-unlad ng bawat probinsya. Dahil mas marami nang distrito, mas mapakikinggan din daw ng pamahalaan ang mga mamamayan. Wala raw itong halong pulitika.

Hindi ganito ang paniwala ng mga lokal na organisasyon katulad ng Save Palawan Movement. Para sa kanila, malinaw na pulitika ang nasa likod ng paghahati ng isa sa malalakíng probinsya sa Pilipinas. Papabor daw ang mas maraming probinsya at distrito sa mga pulitikong nais kontrolin ang probinsya para sa kapakinabangan ng kani-kanilang angkan at pamilya. Giit pa ng Save Palawan Movement, hindi raw ito ang angkop na tugon sa mahinang pamamahala, katiwalian sa lokal na pamahalaan, at hindi maayos na pangangasiwa ng likas na yaman ng Palawan. Bukod dito, hindi man lang daw kinonsulta ng mga mambabatas na nagsulong ng paghahati ng probinsya ang mga mamamayan ng Palawan. Lubhang malaki rin daw ang sasayangin na pondo para isagawa ang plebisito upang pagpasyahan ang isang batas na hindi naman hiningi ng mga Palaweño. At tiyak na malaki rin ang gagastuhin upang itatag ang tatlong kapitolyo at mga opisina sakaling paboran ng mga taga-Palawan ang paghahati ng probinsya. Higit pa rito, sinasabi ring pabor sa China ang paghahati ng Palawan dahil kaya na nitong impluwensyahan ang mas maliliit na probinsya upang makuha ang kontrol sa mga isla sa West Philippine Sea.

May kasabihan ngang, “If it ain’t broke, don’t fix it.” Kung walang sira ang isang bagay, hindi ito kailangang kumpunihin. Kung maayos namang napapamahalaan ang Palawan bilang isang probinsya, hindi ito kailangang hatiin sa mas maraming probinsya. O kung may nakikitang mga pagkukulang sa kung paano pinamamahalaan ang Palawan bilang isang probinsya, hindi ang paghahati-hati sa teritoryo ang kailangan kundi mga pinunong may kakayahang pamunuan at paglingkuran ang mga Palaweño. Walang malaki o maliit na probinsya sa magagaling at matitinong lider. Kaya hindi masisisi ang mga grupong tutol sa paghahati ng Palawan kung ang nakikita nilang motibasyon sa likod nito ay upang magkaroon ng mas maraming pagkakataon ang mga political dynasties na maghari at manatili sa kapangyarihan—gerrymandering ang tawag dito sa Ingles.

Ipinakikita sa nangyaring ito sa Palawan ang lantarang pagsasantabi sa mga mamamayan sa pagtalakay at pagpapasya sa isang usaping malaki ang epekto sa kanilang buhay. Kung walang pakikilahok ang mga mamamayan sa proseso ng pagpapasya—bagay na pinahahalagahan sa mga Catholic social teaching—nagiging huwad ang pagbabago sa lipunan; hindi ito magiging pangmatagalan. Kung hindi pinakikinggan ng mga lider ang boses ng mga mamamayan, inaalisan nila sila ng tungkuling makibahagi sa lipunang kanilang kinabibilangan, at paglabag ito sa kanilang dignidad bilang mga tao. Ang pakikilahok ng mamamayan ay pagkilala sa biyaya ng kalayaan at pananagutang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isang tao.

Ngunit hindi pa huli ang lahat para sa mga kababayan natin sa Palawan. Malalaman natin ang kahahantungan ng batas na ito sa Mayo 2020 kung kailan isasagawa ang plebisito, at pagkakataon iyon para sa mga Palaweño na iparinig ang kanilang tinig sa mga pulitikong pinaghahati-hatian ang kanilang paraiso, ang napakaganda at napakayamang isla ng Palawan.

At dasal natin, mga Kapanalig, ang kaliwanagan sa isip ng mga Palaweño upang maipakita nilang sa kanila nagmumula ang kapangyarihan ng kanilang mga pinuno.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 4,540 total views

 4,540 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 11,876 total views

 11,876 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 19,191 total views

 19,191 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 69,515 total views

 69,515 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 78,991 total views

 78,991 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 4,541 total views

 4,541 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 11,877 total views

 11,877 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 19,192 total views

 19,192 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 69,516 total views

 69,516 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 78,992 total views

 78,992 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 74,744 total views

 74,744 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 81,003 total views

 81,003 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 95,320 total views

 95,320 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 80,687 total views

 80,687 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 68,278 total views

 68,278 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 80,880 total views

 80,880 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 76,193 total views

 76,193 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 81,126 total views

 81,126 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 131,686 total views

 131,686 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 136,845 total views

 136,845 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top