Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,025 total reads

Ang Mabuting Balita, 24 Pebrero 2024 – Mateo 5: 43-48

PINAKAMAHUSAY NA BERSYON

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kaibigan at kapootan mo ang iyong kaaway.’ Ngunit ito naman sabi ko: ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan. Kung ang mga umiibig sa inyo ang siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong hihintayin? Hindi ba’t ginagawa rin ito ng mga publikano? At kung ang binabati lamang ninyo’y ang inyong mga kapatid, ano ang nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil! Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa langit.”

————

Ang pinagagawa sa atin ni Jesus ay hindi mga pangkaraniwang bagay, tulad ng ibigin ang ating mga kaaway at idalangin ang mga umuusig sa atin. Napakahirap gawin ang mga ito sapagkat may ugali tayong kamuhian ang ating mga kaaway at hindi ipanalangin ang mga umuusig sa atin. May mga iba nga sa atin, ang pinapanalangin ay maparusahan ang mga kaaway at mga umuusig.

Bakit ito pinagagawa ni Jesus sa atin? Isipin na lang natin ang isang pamilya kung saan ang mga anak ay kabaliktaran ng ama nilang napakabuti. Isipin natin ang kaguluhan! Isipin natin ang mundo na walang mga Kristiyano na ayon sa 2010 populasyon ng mundo ng 6.9 billion ay 31% nito. Marahil ang mga kaguluhan at digmaan ay mas malala kaysa ngayon. Marahil ang kriminalidad at imoralidad ay nasa sukdulan na. Ito ang dahilan kung bakit sa Mateo 5: 38, si Jesus ay hindi sang-ayon sa kaugaliang “mata sa mata” at “ngipin sa ngipin.”

Ang maging totoong Kristiyano ay hindi lamang tungkol sa pagiging mabuti. Ito ay ang pagiging PINAKAMAHUSAY NA BERSYON NG ATING SARILI. Ito ang ibig sabihin na tayo ay nilikhang kawangis ng Diyos. Ito ang bersyon na magdadala ng kapayapaan at pagkakaisa sa mundo, at magdadala sa atin sa buhay na walang hanggan!

Panginoong Jesus, bigyan mo kami ng lakas at inspirasyon na mahalin ang aming mga kaaway at ipanalangin ang mga umuusig sa amin!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 45,423 total reads

 45,423 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 130,788 total reads

 130,788 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 177,524 total reads

 177,524 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 225,396 total reads

 225,396 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 327,248 total reads

 327,248 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IT IS NEVER TOO LATE.

 5,695 total reads

 5,695 total reads Gospel Reading for October 24, 2026 – Luke 13: 1-9 IT IS NEVER TOO LATE. Some people told Jesus about the Galileans whose

Read More »

RENDERED USELESS

 6,227 total reads

 6,227 total reads Gospel Reading for October 23, 2026 – Luke 12: 54-59 RENDERED USELESS Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising

Read More »

INEVITABLE

 13,597 total reads

 13,597 total reads Gospel Reading for October 22, 2026 – Luke 12: 49-53 INEVITABLE Jesus said to his disciples: “I have come to set the earth

Read More »

A GREAT BLESSING

 11,902 total reads

 11,902 total reads Gospel Reading for October 21, 2026 – Luke 12: 39-48 A GREAT BLESSING Jesus said to his disciples: “Be sure of this: if

Read More »
Scroll to Top