Pilipinas, kinilala ng ILO

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,294 total views

Kinilala ng International Labor Organization (ILO) ang Pilipinas bilang kauna-unang bansa sa Asya na ratipikahan ang mga polisiyang nakapaloob sa ILO-Convention 190 (ILO-C190) na mangangalaga sa mga manggagawa laban sa anumang uri ng pang-aabuso.

Ayon sa ILO, mahalagang hakbang tungo sa pangangalaga ng kapakanan ng mga manggagawa ang naging desisyon ng pamahalaan ng Pilipinas upang maiwasan at tuluyang maiwaksi sa lipunan ang ibat-ibang uri ng karahasan at pang-aabuso.

Ikinagalak din ng pamunuan ng ILO ang pagsumite ng Department of Labor and Employment ng Pilipinas sa mga kinakailangang dokumento sa pag-ratipika sa ILO-C190 sa mismong araw ng International Day of Social Justice na simbolo ng pagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa.

“The Convention mandates member states to adopt, in consultation with representative employers’ and workers’ organizations, inclusive, gender-responsive strategies for preventing and
eradicating workplace violence and harassment. This approach includes prevention, protection, and enforcement measures, as well as remedies, guidance, training, and awareness-raising initiatives. Acknowledging the distinct roles of governments, employers, workers, and their organizations, the Convention emphasizes the importance of social dialogue and tripartism in implementing these measures at the national level,” ayon sa ipinadalang mensahe ng ILO at ILO-Philippines sa Radio Veritas.

Pangako naman ni DOLE Undersecretary Ernesto Bitonio na simula pa lamang ito ng mga inisyatibo ng kagawaran upang matiyak na hindi naabuso ang mga Pilipino sa mga lugar ng paggawa.
“The Philippines recognizes that as the First international instrument to institutionalize the “right to a world of work free from violence and Harassment,” ayon naman sa mensahe ni Bitonio na ipinadala ng ILO sa Radio Veritas.

Nakapaloob sa C-190 ang mga polisiyang maaring sundin ng ibat-ibang bansa katulad ng Pilipinas hinggil sa mga pamamaraan na magbibigay proteksyon sa sektor ng manggagawa laban sa ibat-ibang uri ng karahasan at pang-aabuso sa mga lugar ng paggawa.

Sa datos ng United Nations noong December 2022, isa sa kada limang manggagawa ang biktima ng karahasan sa buong mundo.

Inihayag naman ng Philippine Civil Service Commission na umaabot sa 22.8 porsyento ang bilang ng mga manggagawang nakakaranas ng karahasan at pang-aabuso sa kanilang mga lugar ng paggawa.

Unang umapela ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa mga employers at lider sa mundo na tiyaking ligtas ang mga manggagawa mula sa anumang uri ng kapahamakan, aksidente o pang-aabuso sa mga lugar ng paggawa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 6,245 total views

 6,245 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 29,397 total views

 29,397 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 99,509 total views

 99,509 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 174,123 total views

 174,123 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 253,815 total views

 253,815 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Proteksyon, panawagan ng WMRA

 1,705 total views

 1,705 total views Nanawagan ang Workers Motorcycle Riders Association (WMRA) sa mga rider at publiko sa buong bansa na makiisa sa pag-aalay ng panalangin at pagsisindi

Read More »
Scroll to Top