PJPS, binigyan ng 3-day retreat ang mga kawani at opisyal ng BuCor

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,172 total views

Puspusan ang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) para sa makatao at maka-Diyos na paglilingkod sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa bansa.

Bilang pinangunahan ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ang pagkakaloob ng 3-araw na retreat para sa ilang mga kawani at opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nagsilbing Retreat Points Giver sa tatlong araw na gawain si Rev. Fr. Jun-G Bargayo, SJ – na siya ring kasalukuyang executive director ng PJPS.

Layunin ng gawain na bigyan ng pagkakataon ang mga opisyal ng BuCor na makapagpahinga, makapagnilay, mapanalangin at higit na mapag-alab ang kanilang misyon sa mga bilanguan ng may higit na pag-unawa sa Mabuting Salita ng Diyos.

Sa ibinahaging Facebook post ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay umabot sa 37-opisyal ng BuCor ang nakibahagi sa ‘Walking with Jesus Behind the Gates’ Retreat na isinagawa sa Sacred Heart Novitiate.

“Walking with Jesus Behind the Gates: A Retreat with BuCor Officers. From July 24 to 26, thirty-seven BuCor officers stepped into silence, stillness, and grace during a retreat held at Sacred Heart Novitiate. Through deep prayer, reflection, and Gospel contemplation, they encountered Jesus as Friend, Flame, and Light—renewing their sense of mission behind prison walls. Facilitated by PJPS, CLC, and CIS, and guided by Fr. Jun-G Bargayo, SJ, this retreat became a sacred space for healing, hope, and rediscovery.” Bahagi ng pahayag ng PJPS.

Katuwang ni Fr. Bargayo sa pangangasiwa sa tatlong araw na gawain ang ilang mga layko na nagsilbi ring facilitators sa 3-day retreat mula ika-24 hanggang ika-26 ng Hulyo, 2025.

Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDLs).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 11,301 total views

 11,301 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 32,282 total views

 32,282 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 54,710 total views

 54,710 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 228,471 total views

 228,471 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 205,447 total views

 205,447 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

EJK Truth Commission, itinatag

 538 total views

 538 total views Pormal nang inilunsad ang isang independent at civilian-led Truth Commission na magsisilbing truth-seeking body upang bumuo ng kapani-paniwala at pampublikong tala at imbestigasyon

Read More »
Scroll to Top