PNP Chaplain Service, nagpahayag suporta kay PNP Chief Eleazar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Philippine National Police – Chaplain Service sa bagong talagang hepe ng PNP na si Lt. General Guillermo Eleazar.

Tiniyak rin ni PNP Chaplain Service Director, Police Brig. General Rev. Fr. Jason Ortizo ang suporta ng buong PNP-Chaplain Service sa pamumuno ni General Eleazar.

Bukod sa suporta at pagbati, ibinahagi rin ni Fr. Ortizo ang pananalangin ng buong Chaplain Service upang gabayan ng Panginoon si Eleazar sa kanyang bagong tungkulin na matiyak ang kaligtasan at kapayapaan ng bansa para sa kapakanan ng taumbayan. Ipinapanalangin rin ng PNP-CHS ang tagumpay at kabutihan ng buong ahensya sa ilalim ng pamumuno ng bagong hepe ng PNP.

“Kami po sa PNP lalo na sa Chaplain Service ay natutuwa po sa pagkatalaga ni Sir Eleazar bilang bagong pinuno ng kapulisan po at sana patuloy siyang gabayan ng ating Panginoong Dios para po maging mapaunlad niya ang organisasyon at ang katahimikan sa ating bansa” pahayag ni Fr. Ortizo sa panayam sa Radio Veritas.

Papalitan ni Eleazar si outgoing PNP chief Police General Debold Sinas na magreretiro sa ika-8 ng Mayo, 2021.

Si Eleazar ang magiging ika-26 na hepe ng PNP at pang-6 na hepe sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte. Bago hirangin bilang bagong PNP chief, nagsilbi si Eleazar na ikalawang pinakamataas na opisyal ng PNP bilang Deputy Chief for Administration, kung saan siya ang itinalagang unang commander ng Joint Task Force COVID-19 Shield na naatasang ipatupad ang pagtugon ng pulisya sa mga quarantine restriction ngayong panahon ng pandemya.

Naunang tiniyak ng PNP–Chaplain Service ang pagsasakatuparan ng mandato nito na gabayan ang mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas upang maging mabuting alagad ng batas nang may pagkilala sa karapatan at dignidad ng bawat isa sa ilalim ng batas ng tao at batas ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 85,914 total views

 85,913 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 85,914 total views

 85,914 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 85,914 total views

 85,914 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 83,316 total views

 83,315 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 76,070 total views

 76,070 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top