POLITICAL DYNASTIES ARE ROVING BANDITS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 194,381 total reads

Kapanalig, lumabas sa pag-aaral na ang nararanasang kahirapan sa Pilipinas ay dulot ng kawalan o kakulangan ng pera—Ito pala ay sanhi ng kung saan nakatuon ang kapangyarihan (POWER).

Isa sa pangunahing dahilan ng kahirapan? POLITICAL DYNASTIES- mga pamilyang may hawak sa kapangyarihan sa mga komunidad ng halos henerasyon na. Sila ang nakaupo sa iba’t-ibang posisyon sa lokal na pamaahalaan, kapag tapos na ang termino, ipapasa lang sa asawa, anak, apo at kamag-anakan.

Ang mga political dynasty na ito ay hindi lamang may kontrol sa pulitika.., sila ay mga may-ari ng negosyo na nagpapahirap sa mga mamamayan na kanilang pinaglilingkuran bilang public servant. Ika nga, ang political dynasty ay hindi lamang sintomas ng hindi pagkapantay-pantay… ito ay sistema na nagpapalaganap sa kahirapan.

Bakit binansagang “roving bandits” ang mga political dynasty? Dahil inuubos nila ang public resources., ang pera ng taumbayan.

Sa mga lalawigan lalu na sa Visayas at Mindanao., ang isang political dynasty ay karaniwang konektado sa “extractive industries” tulad ng pagmimina, illegal logging at quarrying. Malakihan ang kita sa ganitong negosyo pero hindi ito nagdudulot ng inclusive growth lalu na sa mga residente.

Bakit roving bandits? Sila ang mga opisyal ng pamahalaan na ginagamit ang pondo ng bayan para sa kanilang kapakinabangan. Ang mga lider na ito ay gumagawa ng mga kalsada hindi para i-konekta ang mga komunidad, kundi daanan para makarating sa kanilang pag-aaring mining sites.

Sinasabi sa pag-aaral na kung ang isang political dynasty ang nagma-may-ari ng mga negosyo sa isang munisipalidad at lalawigan… tiyak laganap at matindi ang kahirapan.

Sa isang maunlad na lugar tulad sa Luzon at NCR na matindi ang kompetisyon.., lumulutang pa rin ang political dynasty. Bakit? Dahil kayang-kaya ng isang political dynasty na dayain ang procurement process.. limitahan ang kompetisyon., gamitin ang pondo ng bayan para paboran ang mga pribadong mamumuhunan kapalit ng kickback. Kaya din nilang kontrolin ang labor., land conversions… siempre hawak nila kung paano tatakbo ang lokal na ekonomiya. Ang resulta Kapanalig, distorted economy.

Kapanalig, sinasabing namamayagpag sa 20-pikamahirap na lalawigan sa Pilipinas ang political dynasty. Ito ay ang Tawi-tawi., Basilan., Maguindanao., Davao Oriental., Zamboanga del Norte., Samar.,Eastern Samar., Sultan Kudarat., Dinagat island., Sarangani., Sorsogon-probinsiya ni dating Senate President Chiz Escudero.,Misamis Occidental.,Romblon.,Negros Oriental.,Bukidnon.,Northern Samar.,Camarines Sur., Zamboanga Zibugay.,Zamboanga del Sur.

Sa pag-aaral ng Philippine Center for Investigative Journalims(PCIJ)., 71-sa 82-provincial government sa bansa o 87-porsiyento ay pinamumunuan ng miyembro ng political dynasties.

Ang totoo, ipinagbabawal ng 1987 Philippine constitution ang pagkakaroon ng Political dynasties. Ngunit, matibay ang balakid., kailangang magkaroon ng enabling law upang maisakatuparan ito.Mahigit tatlong dekada nang bigo ang kongreso na maipasa ang anti-dynasty law. Paano maisasabatas ang anti-political dynasty law kung marami sa mga mambabatas sa kasalukuyan ay bahagi ng political dynasties?Kapanalig, mahirap baguhin ang mga rules., ang mga referee mismo ay mga manlalaro!

Kapanalig, sinasabi ng Compendium of the Social Doctrine of the Catholic Church, “the right to have a share of earthy goods sufficient for oneself and one’s family belongs to everyone”. Ang kayamanan at resources ng Pilipinas ay dapat ibinabahagi sa mamamayan at dapat ibinubulsa ng iilan lamang.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,179 total reads

 21,179 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,676 total reads

 58,676 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,887 total reads

 76,887 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,215 total reads

 161,215 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,591 total reads

 197,591 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 21,181 total reads

 21,181 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,678 total reads

 58,678 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,889 total reads

 76,889 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,217 total reads

 161,217 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top