December 12, idineklara ng Kamara bilang Feast of Our Lady of Guadalupe Day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,359 total reads

Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara sa December 12 ng bawat taon bilang Feast of Our Lady of Guadalupe Day.

Pinagtibay ang panukala sa botong 214 na pabor, walang tumutol, at tatlong abstention—isang malinaw na pagpapakita ng malawak na suporta mula sa mga mambabatas.

Sa ilalim ng House Bill No. 7303, ang December 12 ay itatakda bilang isang special working holiday.

Pangunahing may-akda ng panukala sina Speaker Faustino Dy III, House Majority Leader at Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander Marcos, Bukidnon Representative Audrey Kay Zubiri, at Tarlac Representative Noel Rivera.

Ayon kay Marcos, layunin ng panukala na bigyang pagkakataon ang mga Pilipino na gunitain at ipagdiwang ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, na kinikilala bilang tagapagtanggol ng mga inaapi at patron ng mga hindi pa isinisilang.

Dagdag pa ng kongresista, ang Mahal na Birhen ng Guadalupe ay simbolo rin ng pagkakaisa at panlipunang katarungan—mga pagpapahalagang patuloy na mahalaga sa kasalukuyang panahon.

Sa sandaling maisabatas, magiging bahagi na ng taunang pambansang paggunita ang December 12 bilang araw ng pananampalataya at pagkilala sa mahalagang gampanin ng debosyon sa buhay ng maraming Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 58,387 total reads

 58,387 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 162,524 total reads

 162,524 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 199,312 total reads

 199,312 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 229,887 total reads

 229,887 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 275,911 total reads

 275,911 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top