Do we choose to stay together? Hamon ni Bishop Dalmao sa Mindanao Priests

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,961 total views

“The question is not, do we think the same? The real question is, do we choose to stay together?”

Ito ang hamon ni Basilan Bishop Leo Dalmao, CMF sa halos 800 diyosesanong pari na dumalo sa 47th Diocesan Clergy of Mindanao Assembly na ginanap sa KCC Convention Center sa Zamboanga City.
Binigyang-diin ng obispo na ang tunay na sukatan ng synodality ay hindi pagkakapareho ng pananaw kundi ang pasyang manatiling magkakaisa at magpatuloy sa misyon sa kabila ng pagkakaiba at hamon ng ministeryo.

“Or, in the context of our ministry, do we choose to stay and continue giving ourselves despite the difficulties?” ayon kay Bishop Dalmao.

Kinilala ng obispo ang magkakaibang pastoral realities sa Mindanao mula sa iba’t ibang kultura at wika hanggang sa komplikadong interreligious context, ngunit iginiit na ang pagkakaiba-iba ay hindi hadlang kundi biyaya.

“In Mindanao, we live in diversity; cultures, languages, pastoral realities, and even different ways of thinking. Diversity is beautiful. It is well demonstrated in our region,” aniya.

Sa gitna ng kahirapan, tunggalian, at mga hamong panlipunan sa rehiyon, sinabi ni Bishop Dalmao na hindi kayang pasanin ng bawat pari nang mag-isa ang bigat ng misyon.

Babala ng obispo na ang pagkakahati-hati ay nagsisimula sa puso, sa sugat, takot, at pagmamataas kaya’t ang synodality ay nagsisimula rin sa pagpapahintulot kay Kristo na maghilom ng mga pusong nasasaktan.

“We are not meant to walk alone. We are called to journey in solidarity. Division does not begin outside; it begins inside… Synodality begins when we allow Christ to heal all hearts. But when priests walk divided, people also feel very discouraged. But when priests walk together, people find hope,” ayon sa obispo.

Hinimok ni Bishop Dalmao ang kaparian na manatiling tapat sa pakikinig at paglalakbay kasama ng bayan ng Diyos, kahit sa mga pagkakataong hindi malinaw ang sagot sa mga suliranin.
Aniya, ang lakas ng ministeryo ay hindi nasusukat sa mga programa kundi sa lalim ng pagkakapatiran.

“Sometimes we are simply called to stay, to listen without judging, to accompany without having all the answers, to remain even when it is inconvenient. Our strength is not only in what we do in ministry, but in how we walk together as brothers,” ani Bishop Dalmao.

Ang Diocesan Clergy of Mindanao Assembly ay pagtitipon ng mga diyosesanong pari sa rehiyon na naglalayong patatagin ang pagkakaisa, pakikipagkapwa, at konkretong pagsasabuhay ng synodality sa Simbahan sa Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 6,898 total views

 6,898 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 34,903 total views

 34,903 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 52,703 total views

 52,703 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 52,419 total views

 52,419 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 164,579 total views

 164,579 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 6,507 total views

 6,507 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top