Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 300 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Ikalimang Linggo ng Pagkabuhay, 19 Mayo 2022, Jn 15:9-11

May nagbigay sa akin ng isang keychain noong nasa elementary school pa lang ako. May nakasabit na medallion na may mukha ni Pope John XXIII, at ang nakasulat ay “PONTIFEX MAXIMUS”. Sa high school ko na nalaman ang ibig sabihin nito, noong nagsimula na akong mag-aral ng Latin sa Minor Seminary. “Supreme Bridge-Builder” daw pala ang meaning. Akala ko tuloy isang civil engineer o construction worker ang Santo Papa, gumagawa ng tulay. Saka ko na nalaman na hindi pala ito literal kundi metaphorical. Ang mas angkop na translation sa Tagalog ay “Pinakadakilang Tagapag-ugnay.” Pwede ring Tagapamagitan.

Sa ating first reading ngayon, malinaw kung paano ginampanan ni San Pedro ang papel na ito bilang unang Santo Papa. Siya ang namagitan para pagkasunduin ang magkabilang mga grupo ng mga Kristiyanong hindi magkasalubóng ng pananaw tungkol sa pananampalataya. Sa isang banda naroon si San Bernabe at San Pablo, successful sila sa kanilang misyon—marami sa mga tumatanggap sa Mabuting Balita ay iyung tinatawag kong mga “taga-labas,” ibig sabihin, mga hindi Hudyo pero interesadong makinig sa Salita ng Diyos.

Sa kabilang banda, naroon sina si Santiagong kamaganak ni Hesus, na kinikilalang lider ng mga Hudyong naging mga Kristiyano, at ang iba sa kanila ay mga dating Pariseo na napaka-istrikto pagdating sa pagsunod sa mga Batas ni Moises. Para sa kanila, bago binyagan sa pagka-Kristiyano ang mga “taga-labas”, dapat muna silang maging tapat sa istriktong pagsunod sa mga Batas ni Moises.

Ito ang tinatawag na First Council of Jerusalem. May isyu ang magkabilang panig at ang nagsilbing facilitator ng dialogue o tagapamagitan sa konsultasyon na ito ay si Pedro. Noong una, napakatindi ng tensyon ng dalawang grupo ayon kay San Lukas. Ayaw nilang makinig sa isa’t isa. Si San Pedro ang pumagitna at namagitan. Noong una, nauuuwi na sa debate at pagtatalo ang pag-uusap. Pero nang magsalita si Pedro, napatahimik na silang lahat. Nabuksan niya, hindi lang mga tainga kundi mga saradong puso at isip ng magkabila, at maya-maya, sumang-ayon na rin si Santiago na lider ng grupong taga-Jerusalem. Nagkasalubóng na rin ang kanilang mga pananaw.

Ano ang naging susi na nagbukas ng kanilang mga kalooban sa isa’t isa? Ito naman ang ipinupunto ng ating Gospel reading ngayon. Karugtong ito ng narinig natin kahapon na pagbasa: na si Hesus ang puno ng ubas at ang mga alagad ay mga sanga. Hindi dadaloy ang katas ng puno sa mga sanga, at lalong hindi magbubunga ang mga ito kung hindi mananatiling nakadugtong o nakaugnay sa puno.

At sa bigay na paliwanag ni San Pedro, ang katas na dumadaloy sa lahat ng mga sanga ay ang Espiritu Santo. Siya ang magpapakilala sa mga alagad hindi lang kay Kristo bilang pinaka-puno, kundi sa bawat kapwa-alagad bilang kapatid. Na sila ay parang mga sanga ng iisang puno. At kung ang alagad ay tunay na nakarugtong kay Kristo, dapat mananatili din siyang nakaugnay sa bawat kapwa alagad na kumikilala din kay Kristo. Ito ang tinatawag nating “COMMUNION.”

Akala natin tayo ang tumatanggap kay Kristo. Baligtad pala—siya pala ang tumatanggap sa atin, siya ang bumabago sa ating pagkatao upang maging kabahagi niya tayo. Kung nananatili tayo sa kanya, dapat din nating pagsumikapan na manatili sa isa’t isa, sikaping isantabi ang mga hadlang o balakid sa ating pagsasalubungan ng puso’t isipan sa pamamagitan ng iisang Espiritung tinanggap natin mula sa kanya.

Hindi ko na matandaan kung ano ang pangalan ng santong ito. Pero ayon sa kwento, may sama ng loob daw siya sa isang ka-miyembro niya sa religious congregation nila dahil hindi niya ito makasundo ng pananaw. Minsan dumalo daw silang pareho sa Misa at halos magkasunod silang nag-communion. Paglabas nila, nang magkasalubong sila sa pasilyo, lumuhod siya sa harapan nitong taong hindi niya kasundo. Sabi niya, “Lumuluhod ako kay Kristong tinanggap mo sa komunyon kung paanong lumuluhod ako sa harapan ng tabernakulo.” Napaluha daw ang kalaban niya at lumuhod din siya. “Kung gayon kailangan din akong lumuhod sa iyo dahil iisang Kristo ang tinanggap natin.” At mula noon, naging matalik na daw silang magkaibigan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 1,354 total views

 1,354 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 7,327 total views

 7,327 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 13,082 total views

 13,082 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 20,345 total views

 20,345 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 28,330 total views

 28,330 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 539 total views

 539 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 542 total views

 542 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,296 total views

 3,296 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,711 total views

 7,711 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,037 total views

 3,037 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,560 total views

 3,560 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,059 total views

 5,059 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,903 total views

 5,903 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,158 total views

 4,158 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,371 total views

 8,371 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,604 total views

 7,604 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,814 total views

 11,814 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,262 total views

 5,262 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,266 total views

 5,266 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,266 total views

 5,266 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top