Teknolohiya at mga PWDs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 809 total reads

Nakakapanghinayang kapanalig, na kahit pa advanced na ang teknolohiya sa ating mundo ngayon, marami pa rin ang walang access dito.

Gaya na lamang ang sitwasyon ng mga persons with disabilities o PWDs, na isang malaking hamon sa buong mundo sa ngayon. Ayon nga sa isang pag-aaral ng WHO at UNICEF, mahigit pa sa 2.5 bilyong katao sa buong mundo ang nangangailangan ng mga produkto at gamit na makakatulong sana sa kanila, gaya ng wheelchairs, hearing aids, o kahit apps na makakatulong sa kanila. Tinatantyang isang bilyon sa bilang na ito ay halos walang access dito. Karamihan sa kanila ay mula sa mga low and middle income countries,

Kapanalig, dito sa ating bansa, ang mga assistive devices at technology ay mahirap makuha, lalo na kapag ikaw ay mahirap. Hindi ba’t ang simpleng wheelchair nga kapanalig, ay hirap makuha ng maralitang may kapansanan sa ating bayan?

Tinatayang mga 5.1 million na bata sa ating bansa ay may kapansanan, at  mga 1.5 million sa kanila ay nangangailangan ng assistive technology. Isa lamang sa dalawampung batang may kapansanan sa ating bansa ay may access sa assistive devices. Katumbas ito ng 1.46 million na bata.

Hindi nararapat na manatili ang ganitong sitwasyon. Ang kawalan ng access sa assistive devices at technology ay parang pagdaramot na rin ng kalayaan sa mga taong may kapansanan. Hindi natin sila binibigyan ng oportunidad na makilahok sa lipunan. Sa kawalan ng ganitong mga gamit, ating nililimita ang kanilang kakayahan at potensyal.

Kapanalig, ang pagkakaroon ng assistive devices at technology ay makakapagbago ng buhay ng mga PWDs – mas mapapadali ang kanilang paggalaw at partisipasyon sa ating lipunan. Sa pamamagitan ng mga gamit na ito, makakapag-aral ang mga batang may kapansanan, makakahanap ng trabaho ang mga nasa tamang edad na,  makakapaglaro at makakapaglibang sila kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan. Kapanalig, sa pagkakaroon ng assistive devices at technologies, mas magiging aktibo, masaya, at dekalidad ang buhay ng mga may kapansanan.

Kapanalig, sa paglalakbay natin sa buhay, dapat walang iwanan. Ang pag-iwan sa mga may kapansanan ay taliwas sa ating pagkatao bilang Kristiyanong Katoliko, bilang mga anak ng Diyos. Ayon nga sa Gaudium et Spes, dapat nating pagpitagan ang tao. Inaatasan tayo ng ating Simbahan na ituring ang kapwa gaya ng pagturing natin sa ating sarili. Isaalang-alang natin ang mga pangangailangan ng kapwa upang mabuhay sila nang may dignidad, upang hindi tayo matulad sa mayamang tao na inilarawan ng Bibliya sa Lucas 16:19-31– walang pagmamalasakit sa mahirap na tao gaya ni Lazarus.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 3,271 total reads

 3,271 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 40,652 total reads

 40,652 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 71,923 total reads

 71,923 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 149,229 total reads

 149,229 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 243,287 total reads

 243,287 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 3,272 total reads

 3,272 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 40,653 total reads

 40,653 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 71,924 total reads

 71,924 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 149,230 total reads

 149,230 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top