Pontificio Collegio Filipino, nagpaabot ng pagbati kay Apostolic Nuncio to Rwanda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 872 total reads

Nagpaabot nang pagbati at panalangin ang Pontificio Collegio Filipino sa Roma, Italya kay Archbishop Arnaldo Catalan bilang bagong Apostolic Nuncio sa Rwanda, Africa.

Ayon kay Fr. Gregory Gaston-rector ng collegio, kanilang ipinapanalangin ang kalakasan para sa bagong misyon ni Archbishop Catalan sa simbahan na maglilingkod bilang kinatawan ng Holy See sa isa sa mission church ng Vatican sa Africa.

‘Si Msgr. Catalan ay maa-assign sa Rwanda para mangasiwa sa mga katoliko doon, at political assignment o ang relationship ng Holy See at Rwanda, ang bilateral relations ng dalawang bansa. ‘ ayon kay Fr. Gaston.

Si Archbishop Catalan ay inordinahan at kinilala bilang titular archbishop ng Apolonia sa pagdiriwang na pinangunahan ni Prefect of the Evangelization of People’s Luis Antonio Cardinal Tagle, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na ginanap sa Manila Cathedral.

Ang Pontificio Collegio Filippino o kilala rin bilang Pontificio Collegio Seminario de Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje kung saan napabilang din si Archbishop Catalan noong 1995, bago mag-aral sa Pontifical Ecclesiastical Academy-ang natatanging paaralan para sa diplomatic service ng Vatican.

Sa kasalukuyan ay may dalawang Filipinong pari sa academia para sa diplomatic service ng Vatican.

‘Duon hinuhubog ang ating mga papal nuncio. Sa Philippines siya (Catalan) ang pang-lima. Ngayon may dalawang Filipino tayo doon, ipagdasal natin sila na maging ambassador din sila ng Santo Papa in the future,’ dagdag pa ni Fr. Gaston.

Bukod kay Archbishop Catalan, kabilang din sa mga Filipino nuncios sina Archbishop-emeritus Oswaldo Padilla, Archbishop Adolfo Yllana (Israel at Cyprus), Archbishop Francisco Padilla (Guatemala) at Archbishop Bernardito Auza- ang kasalukuyang nuncio sa Espanya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 87,064 total reads

 87,064 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 124,437 total reads

 124,437 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 155,698 total reads

 155,698 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 228,472 total reads

 228,472 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 318,463 total reads

 318,463 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 24,641 total reads

 24,641 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top