18,829 total views
Lubos na nagpapasalamat ang Kanyang Kabanalan Francisco sa lahat ng nagdasal at nagpaabot ng mensahe sa kanyang dagliang paggaling.
Sa Angelus ng santo papa sa ikatlong linggo ng kuwaresma binigyang diin nitong ang mahigit isang buwang pananatili sa Gemelli Hospital sa Roma ay oportunidad na maranasan ang mapagkalingang pag-ibig ng Diyos lalo na sa mga may karamdaman.
Ayon kay Pope Francis sa pamamagitan ng mga doctor at healthcare workers na walang kapagurang tumutugon sa pangangailangang medical ng mga maysakit ay naipapamalas sa lipunan ang habag at awa ng Diyos na dapat maipadama sa mga may karamdaman.
“In this long period of my hospitalization, I have had the opportunity to experience the Lord’s patience, which I also see reflected in the tireless care of the doctors and healthcare workers, as well as in the care and hopes of the relatives of the sick. This trusting patience, anchored in God’s unfailing love, is indeed necessary in our lives, especially when facing the most difficult and painful situations,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Aniya bukod sa pagbibigay pag-asa sa mga maysakit na gumaling sa karamdaman ang pagsisikap ng mga medical professionals ay nagdudulot ng pag-asa sa kaanak at kasamang nangangalaga sa mga may karamdaman.
Iginiit ni Pope Francis na ang kanyang karanasan sa dakilang pag-ibig ng Diyos habang nagpapagaling sa pagamutan ay dapat maranasan at matuklasan ng tao lalo na sa mga panahong nahaharap sa matinding pagsubok ng buhay.
Kahapon ay nagpakita sa publiko ang santo papa sa balcony ng Gemelli sa kauna-unahang pagkakataon matapos maospital noong February 14 at nagbigay ng kanyang pagbabasbas bago tumungo sa Basilica of Saint Mary Major at nag-alay ng bulaklak at panalangin sa Mary Salus Populi Romani.