Pairalin ang moral na integridad, hamon ni Archbishop Uy sa mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,436 total views

Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan na pairalin ang moral na integridad sa halip na pansariling interes sa pagdedesisyon sa mga usaping nakaaapekto sa bansa.

Sa inilabas na “Pastoral Guide for Lawmakers on the Question of Impeachment,” binigyang-diin ng arsobispo na ang pagiging lingkod-bayan ay hindi lamang tungkuling pampulitika kundi isang pananagutang moral sa Diyos at sambayanan.

Ayon kay Archbishop Uy, hindi dapat manaig ang takot, galit, impluwensya ng mga makapangyarihan, o personal na ambisyon sa mga pasyang may malaking epekto sa mamamayan.

“Decisions that affect the nation must be guided not by political convenience but by moral integrity,” pahayag ni Archbishop Uy.

Ipinaliwanag ni Archbishop Uy na ang bawat Catholic lawmaker ay dapat magpasya ayon sa katotohanan, katarungan, Saligang Batas, at kabutihang panlahat matapos ang taimtim na panalangin at wastong paghubog ng konsensya.

Hamon ng arsobispo sa mga mambabatas na unahin ang interes ng nakararami sa kanilang pagboto hinggil sa impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.

“The first question should not be: ‘Will this help my political future?’ but rather: ‘What is true, just, and beneficial for the nation?’ ayon sa arosbispo.

Binigyang-diin din ng arsobispo na ang pagpapahintulot na umusad ang constitutional process ng impeachment kung may sapat na batayan ay hindi awtomatikong paghatol ng pagkakasala kundi pagbibigay-daan upang masuri nang patas at malinaw ang katotohanan.

Hinimok rin ni Archbishop Uy ang mga lider ng bansa na magkaroon ng lakas ng loob na manindigan sa wastong proseso upang lumabas ang katotohanan at makamit ang katarungan.

“Leadership sometimes requires the courage to stand for what is right, even when it is difficult or unpopular. For one day, every public servant will answer not only before the people or political parties, but before the Lord Himself, who sees the intentions of every heart,” giit ni Archbishop Uy.

Paalala ng pastol sa mga lider ng pamahalaan at mga halal na opisyal ng bayan na hindi lamang sa taumbayan ang kanilang pananagutan kundi higit sa lahat sa Panginoon, kaya’t mahalagang manungkulan nang may integridad at pairalin ang pagiging Makadiyos at Makabayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 9,922 total views

 9,922 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,273 total views

 38,273 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 106,003 total views

 106,003 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 129,154 total views

 129,154 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 198,636 total views

 198,636 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top