Angat Kalikasan Pilipinas, umaapela ng suporta sa “Nostalgia benefit gig”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,516 total reads

Umapela ng suporta ang Angat Kalikasan Pilipinas para sa isasagawang “Nostalgia” benefit gig na nakatuon sa legal na laban ng mga katutubong Ati sa Boracay Island para sa kanilang lupang ninuno.

Tampok ang fundraising concert sa pagdiriwang ng ikaapat na anibersaryo ng organisasyon kung saan bibigyang-pansin ang patuloy na pakikibaka ng komunidad ng Ati sa usapin ng kanilang ancestral land.

“Our focus remains firmly on the Ati Legal Defense Fund. This milestone serves as a vital platform to amplify the voices of the Ati community in Boracay and provide the legal support they need to defend their ancestral lands,” ayon sa pahayag ng Angat Kalikasan Pilipinas.

Ayon sa grupo, layunin ng aktibidad na mapalakas ang kampanya para sa karapatan ng mga Ati at matulungan silang ipagtanggol ang kanilang lupang ninuno sa pamamagitan ng legal na suporta.

Binigyang-diin din ng organisasyon na 100 porsyento ng malilikom mula sa ticket sales ng konsiyerto ay direktang ilalaan sa Ati Legal Defense Fund.

Ipinaliwanag ng grupo na sagot na ng kanilang mga donor, partner companies, at sponsors ang lahat ng production expenses ng aktibidad, kaya’t buong kita mula sa ticket sales ay mapupunta sa komunidad ng Ati.

Ayon pa sa Angat Kalikasan Pilipinas, ang pagbili ng ticket ay hindi lamang pagsuporta sa isang musical event kundi pakikiisa rin sa laban para sa katarungan ng mga Ati.

Isasagawa ang “Nostalgia” sa May 16 sa Street Kohi sa 24 Mayaman Street, Diliman, Quezon City.

Magbubukas ang gate sa alas-4 ng hapon habang magsisimula ang pagtatanghal sa alas-5:30 ng hapon.

Nagkakahalaga ng P1,500 ang VIP ticket habang P699 naman ang general admission.

Kabilang sa mga magtatanghal sina Joey Ayala, Munimuni, Kontra-Gapi, Hey Moonshine, Abztract, Equation Crisis, at Kathaleya.

Nanawagan naman ang organisasyon sa publiko na makiisa sa fundraising campaign upang mas mapalawak ang tulong para sa mga Ati na patuloy na humaharap sa usapin ng kanilang lupaing ninuno sa Boracay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 116,357 total reads

 116,357 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 149,686 total reads

 149,686 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 181,830 total reads

 181,830 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 247,892 total reads

 247,892 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 259,686 total reads

 259,686 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top