Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pro-environment at pro-human rights candidate, ihalal sa May 2025 elections

SHARE THE TRUTH

 13,605 total views

Hinimok ng pinuno ng social at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na tiyaking ang ihahalal na kandidato sa 2025 Midterm elections ay may paninindigan para sa kapakanan ng kalikasan at karapatang pantao.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, mahalagang suriing mabuti ang ‘credentials’ ng mga kandidatong tunay na itinataguyod ang kapakanan ng mamamayan at ng inang kalikasan.

Ginawa ni Bishop Bagaforo ang panawagan sa press conference ng Green Agenda Coalition noong March 21, 2025 sa isang restaurant sa Quezon City, kung saan inilunsad ang kampanyang Green Agenda 2025 kasama ang iba’t ibang environmental at human rights groups.

“The 2025 elections present a crucial opportunity for Filipinos to elect leaders who will uphold environmental protection and sustainable development. We cannot allow destructive policies and greed to dictate our future,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Inilahad sa nasabing pagtitipon ang 11-Point Green Agenda, na tumutukoy sa mga polisiyang kailangang isulong ng mga kandidato para sa nalalapit na halalan.

Layunin nitong hamunin ang mga kandidato na mangakong ipagtatanggol ang kalikasan at bigyang-kapangyarihan ang mga botante na pumili ng mga lider na tunay na nagmamalasakit sa likas na yaman at sa kinabukasan ng bansa.

Kabilang sa mga prayoridad ng Green Agenda ang pangangalaga sa kalikasan, maayos at pangmatagalang pamamahala ng lupa at likas na yaman, pagsusulong ng katarungang pangklima at renewable energy, paggalang sa karapatan ng mga katutubo, at edukasyong pangkalikasan para sa ligtas at masaganang kinabukasan.

Iginiit naman ni Bishop Bagaforo na ngayon na ang tamang panahon para kumilos sa pamamagitan ng matalinong pagboto upang tunay na maisulong ang pagtugon sa mga suliraning nangyayari sa kapaligiran at mapangalagaan ang kapakanan ng mamamayang Pilipino.

“It’s time for governance that prioritizes both people and the planet,” giit ni Bishop Bagaforo.

Bilang bahagi ng kampanya, inilunsad din ng Green Agenda Coalition ang “G na Kay Gina, G na for Green Agenda” — isang makabago at masiglang paraan upang hikayatin ang suporta para sa kilusan.
Ang “G na,” isang salitang Gen Z na nangangahulugang “Game Na!” o “Go Na!”, ay nagsisilbing panawagan sa pagkilos, lalo na sa kabataan, upang aktibong makiisa sa pagsusulong ng mas luntian at mas ligtas na kinabukasan.

Layunin ng kampanya na ipakilala at isapuso ang Green Agenda sa pamamagitan ni Gina Gascon, isang avatar na kumakatawan sa diwa ng kilusan, na ang pangalan ay bilang pagpupugay sa dalawang haligi ng adbokasiya para sa kalikasan at karapatang pantao — ang yumaong sina Gina Lopez at Chito Gascon.

Nakasaad sa Evangelii Gaudium ni Pope Francis ang kanyang panalangin na madagdagan pa ang mga pulitikong tapat sa kanilang mga tungkulin at nakahandang tumugon para sa kabutihan ng mamamayan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 83,589 total views

 83,589 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 91,364 total views

 91,364 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 99,544 total views

 99,544 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 115,075 total views

 115,075 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 119,018 total views

 119,018 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 2,673 total views

 2,673 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 4,086 total views

 4,086 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top