Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Postponement ng Barangay at SK election,labag sa karapatang bumoto ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

 1,270 total views

Nanindigan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na hindi na dapat muling ipagpaliban ang halalang pambarangay matapos itong dalawang beses ipagpaliban simula noong 2016.

Ayon kay PPCRV National Vice-Chairman for Internal Affairs Bro. Johnny Cardenas, dahil sa paulit-ulit na pagpapaliban sa halalan ay nawawala na ang demokratikong proseso sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng mamamayan na makapaghalal ng mga opisyal ng pamayanan.

“Hindi po dapat na ma-postpone pa ulit kasi masyadong tumagal na yung mga postponements natin at masyado naman nawawala yung demokratikong proseso ng pagpili sa mga leaders natin sa barangay…” pahayag ni Cardenas sa panayam sa Radyo Veritas.

Apela ni Cardenas, mahalagang magtulong-tulong partikular na ang mga taong Simbahan upang mapigilan ang panukalang muling pagpapaliban sa halalang pambarangay malaki ang epekto nito sa buhay ng mamamayan lalo’t isinusulong rin ang charter changes upang bigyang daan ang Federalismo sa bansa.

“I think kailangan pagtulong tulungan ng mga taong Simbahan sapagkat malaki po ang epekto sa ating buhay kung kailan pa magkakaroon tayo ng partisipasyon sa pagbabago at pagpili ng mga local government unit official. Postponement nalang ng postponement hanggang sa darating na panahon Federalism naman ang isasalang sa ating harapan.” apela ni Cardenas.

Dahil dito, hinimok ni Cardenas ang bawat isa na manindigan, ipadama at ipaabot sa mga mambabatas ang hindi pagsang-ayon sa panukalang muling postponement ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda na sa ika-14 ng Mayo, 2018.

Kaugnay nito, sa ilalim ng kasalukuyang Administrasyong Duterte ay dalawang beses ng ipinagpaliban ang pagsasagawa ng halalang pambarangay kung saan ang una ay noong October 31, 2016 at noong nakalipas na taon October 23, 2017.

Una ng binigyang diin ni PPCRV Chairperson Rene Sarmiento na hindi na katanggap tanggap ang naturang hakbang sapagkat maituturing na itong paglabag sa karapatan sa pagboto ng mga mamamayan lalo’t nasasaad sa Saligang Batas na dapat ay regular na isinasagawa ang halalan bilang isang mahalagang bahagi ng pagkakaroon ng demokrasya sa bansa.

Sa isang pahayag sa Davao City, nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya irerekomenda ang muling pagpaliban ng Barangay at SK election taliwas naman sa isinusulong na panukalang batas ni House Justice Committee chairman Reynaldo Umali na muling postponement ng nasabing halalan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Anong solusyon sa edukasyon?

 9,125 total views

 9,125 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 17,565 total views

 17,565 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 33,712 total views

 33,712 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 41,845 total views

 41,845 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 48,902 total views

 48,902 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 3,912 total views

 3,912 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 4,740 total views

 4,740 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top