140 total views
Umaasa si Parish Pastoral Council for Responsible Voting Chairperson Henrietta De Villa na magiging maayos ang nakatakdang pagsisimula ng Joint Session of Congress para sa 2016 Canvassing of Votes for the Presidential and Vice-Presidential Candidates.
Bukod dito, nagpahayag rin ng pagbati si De Villa para sa lahat ng mga nagwaging kandidato at nanawagan ng tunay at matapat na serbisyo upang ganap na maisulong ang pagbabago at maiangat ang buhay ng mga naghihirap na mamamayan sa lipunan.
“inaasahan ko rin na walang ika nga, kasing ayus din ng kamukha ng nakita natin ngayon ano, at saka ngayon ang ipapaalala lang namin sa mga nahalal kami ay binabati namin ang PPCRV ay binabati silang lahat na sana naman ay maitulak na nila ang pagbabago sa ating bayan at lalong lalo na sa mga mamamayan natin na mga hikahos yung mga nasa santabi ng lipunan ay maaangat din nila nuh…” pahayag ni De Villa sa panayam sa Radio Veritas.
Miyerkules, ika-25 ng Mayo, opisyal na magsimula ang Canvassing sa Batasang Pambansa kung saan tatayong National Board of Canvassers ang ilang kinatawan mula sa Senado at Kamara upang siyasatin ang Certificate of Canvass para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo.
Batay sa Section 4, Article VII ng 1987 Constitution.– matapos sertipikahan ng mga Board of Canvassers ng bawat lalawigan at lungsod ang Election Returns at Certificate of Canvass para sa Pangulo at Pangalawang pangulo ay kinakailangan ito dalhin sa Kamara upang bilangin at muling sertipikahan sa pangunguna ng Senate President kasama ang ilan pang kinatawan mula sa Senado at Kongreso para sa Joint Session na magsisilbing National Board of Canvassers na sila ring inatasan upang opisyal na iproklama ang mga nagwagi sa dalawang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.