Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Prayer and action is prayer in action

SHARE THE TRUTH

 8,662 total views

Iginiit ng head chaplain ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) ang mahalagang ugnayan ng pananalangin at pagkilos na humahantong sa makabuluhang gawain para sa kapwa.

Ayon kay Jesuit priest Fr. Marlito Ocon, ang panalangin ay hindi lamang nakatuon sa paghingi o pasasalamat, kundi dapat magsilbing gabay at lakas upang kumilos sa kalooban ng Diyos.
Ginawa ni Fr. Ocon ang mensahe kaugnay sa pagdiriwang sa 33rd World Day of the Sick kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes noong February 11.

“Prayer and Action is prayer in action…It means that prayer fuels action. When we pray, God strengthens and guides us to serve others especially those in need. Then action becomes prayer. When we serve others with love, our work itself becomes a form of prayer. Only then when faith becomes alive through works,” ayon kay Fr. Ocon.

Ipinaliwanag ni Fr. Ocon na kaakibat ng panalangin ang pagkilos, tulad ng pagkakawanggawa, upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan.

Sa ganitong paraan, ayon sa pari, ang pagkilos para sa kapwa ay nagiging isang buhay na panalangin.

Kabilang si Fr. Ocon sa mga hospital chaplains at chaplaincy ministers mula sa mahigit 20 pampubliko at pribadong ospital sa Arkidiyosesis ng Maynila na dumalo sa Healing Mass na pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral noong Martes.

Pagkatapos ng misa ay nagtungo ang Archdiocese of Manila Ministry on Health Care sa Pandacan, Manila kung saan isinagawa ang medical at dental mission para sa humigit-kumulang 350 maralita at maysakit.

“We thank the Lord for the gift of prayer, where we can seek His presence and wisdom. But Lord, let not our prayers end with words—move our hearts to action. Let our hands do Your work, our feet walk in Your ways, and our hearts reflect Your love,” dalangin ni Fr. Ocon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 17,507 total views

 17,507 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 31,567 total views

 31,567 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 50,138 total views

 50,138 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,895 total views

 74,895 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 16,338 total views

 16,338 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567