18,005 total views
Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pagkakaisa at paghilom ng bansa sa gitna ng nagpapatuloy na bangayan dahil sa magkakaibang pananaw sa usaping pampulitika at panlipunan.
Ayon sa obispo nawa’y mangibabaw sa mamamayan ang pagpapatawad at sa diwa ng habag at awa ng Panginoon ay iiral ang pagpapakatao na may paggalang at pagpapahalaga sa kapwa para sa kinabukasan ng bansa.
“Lord, we pray for reconciliation. Let past grievances and wounds be healed by Your mercy. May those who are divided by politics and opposing views find unity in shared dreams for a better tomorrow. Let kindness and understanding triumph over hostility and division. Teach all of us to see humanity in one another, to respect and honor differences, and to work hand-in-hand to build a brighter future,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.
Kasunod ng pag-aresto ng Interpol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kasong crimes against humanity na isinampa sa International Criminal Court magkahati ang pananaw ng mga Pilipino sa usapin.
Bukod pa rito ang iba pang mahahalagang usapin ng bayan partikular ang nalalapit na halalan ng bansa sa May 12 kung saan kadalasang nagsisiraan ang mga kumakandidato at mga tagasuporta sa panahon ng pangangampanya.
Dalangin ni Bishop Santos ang kahinahunan at kaliwanagan ng isip ng mga lider ng pamahalaan na maging tapat sa kanilang tungkulin sa bayan na pangunahan ang pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa nasasakupan.
“Lord, we bring before You the leaders of this land. We ask for Your wisdom to fill their hearts, that they may govern with humility, integrity, and a sincere desire to serve their people. May those who are in authority choose the paths of selflessness and collaboration for the common good. Let justice, honesty, and compassion be the pillars of their leadership,” ani Bishop Santos.
Umaasa ang obispo na magamit sa wastong pamamaraan ang mga mapagkukunan ng bansa na mapakikinabangan ng bawat Pilipino gayundin ang pag-iral ng katotohanan at katarungan upang manaig ang pangkabuuang kapayapaan.
Hiniling din ng obispo sa Panginoon ang pananahan sa puso ng bawat isa upang manatiling matatag sa anumang hamong kakaharapin at patuloy na manindigan sa diwa ng pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa.