19,397 total views
Isasagawa ng Diocese of Tagbilaran ang solidarity mass para sa intensyong magkaroon ng Clean, Honest, Accurate, Meaningful, and Peaceful (CHAMP) Elections sa May 12.
Ayon kay Bishop Alberto Uy mahalaga ang pagbubuklod sa pananalangin ng mamamayan lalo na ng mga kandidato upang magkaisang isulong ang malinis na halalan.
“This Mass is a moment for us to gather as a community in prayer, to reflect on our shared mission, and to seek the guidance and strength we need for the elections ahead. As we come together, let us also remember the responsibility we will each bear once elected—to serve with integrity, dedication, and a heart for the people we are called to lead,” bahagi ng mensahe ni Bishop Uy.
Isasagawa ang solidarity mass sa St. Joseph the Worker Cathedral Shrine – Parish sa March 28, 2025 ganap na alas nuwebe ng umaga kung saan inaasahan ang pagdalo ng lahat ng kandidato sa midterm national and local elections.
Paanyaya ng obispo ang sama-samang pananalangin sa katiwasayan ng nalalapit na halalan na paunang hakbang tungo sa pagkakamit ng tunay na pag-unlad ng pamayanan.
“Let us pray for wisdom, fairness, and peace as we embark on this important journey. I encourage you to bring along your team members, support groups, and fellow candidates. Together, we will begin this journey united in faith, hope, and purpose,” ani Bishop Uy.
Nilinaw ng obispo na hindi magkakaroon ng covenant signing tulad ng mga nakasanayang gawain tuwing eleksyon sa halip ay hinikayat ang mga kandidato na personal na mangako sa Diyos sa kanilang katapatan sa pakikilahok sa halalan.
Una nang kinilala ni Bishop Uy ang mga volunteer’s ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting na katuwang ng simbahan sa pagbabantay sa halalan.(norman)