38,465 total views
Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim ito pa sa simpleng pakikipag-usap lamang sa Panginoon.
Ika nga, It’s our lifeline to the Almighty., ito’y paraan upang makadaupang palad ang panginoon on a personal level. Kapag tayo ay nagdarasal, pumapasok tayo sa isang sagradong lugar kung saan ang ating puso ay nakikipag-usap sa puso ng panginoon. Sa ating marubdob na pakikipag-usap sa Panginoon, ating ibinabagi sa kanya ang ating pangamba, ang ating pangarap, ang pag-asa.
Ang pananalangin, ay paalala na hindi tayo nag-iisa sa ating mga dinaranas na pagsubok., lagi nating kalakbay, lagi nating kasama, laging nakikinig sa ating mga hinaing at kahilingan ang panginoon. Sa pagdarasal ay tumatatag ang ating ugnayan at relasyon sa Poong Maykapal na nakaugat sa tiwala at pananampalataya.
Ipinapaalala sa atin ng MATTHEW 7:7 ““Ask, and it will be given to you; seek, and you will find; knock, and it will be opened to you.”
Kapanalig, sa kasalukuyan ay nahaharap ang ating bansa sa matinding krisis na sanhi ng endemic na corruption na nagdudulot ng matinding pasakit at pasanin sa ating mga Pilipino.
Dahil sa matinding krisis, tayo ay tinatawag na magkaisang manalangin upang hilingin ang guidance ng panginoon at bigyan tayo ng lakas na manindigan at kumilos upang manaig ang kabutihan sa puso ng ating mga lider sa pamahalaan.
Magkaisa at sama-samang tayong manalangin para hilingin sa panginoon na tuldukan na ang laganap na katiwalian sa gobyerno, sa ating mga komunidad at sa ating araw-araw na pamumuhay.
Kapanalig, inaanyayahan tayo ng One Godly Vote: Catholic Advocates for Responsible Electorate (CARE) na makiisa at maging “Prayer Warriors Against Corruption”. Ilulunsad ng CARE movement ang “9 O’clock Prayer Habit.
Inaanyayahan ng mga lead convenor ng One Godly Vote: CARE ang mga mamamayan na magkaisa sa pananalangin laban sa korapsyon. Sama-sama nating hilingin sa panginoon na manaig ang integridad at pananagutan sa gobyerno maging sa ating araw-araw na pamumuhay.
Misyon ng 9 O’clock Prayer Habit na manaig sa Pilipinas ang “culture of transparency, ethical conduct at aktibong mamamayan” na lumalaban sa anumang uri ng maling gawain.
Ang inisyatibo ay ilulunsad ng CARE sa pamamagitan ng isang press conference sa Club Filipino, San Juan City sa ika-21 ng Nobyembre.
Kapanalig, Let us storm the heaven with prayer upang matuldukan na ang masamang gawain, laganap na katiwalian sa pamahalaan maging sa ating pamayanan.
Sumainyo ang Katotohanan.




