Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Presidentiables na nagsusulong ng katotohanan at agham, iboto sa May 2022 election

SHARE THE TRUTH

 407 total views

Mahalagang taglay ng kandidato sa pagkapangulo ang paniniwala sa katotohanan at agham.

Ito ang pagbabahagi ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) kaugnay ng kanilang pahayag na may titulong “A CALL TO MORAL COURAGE IN THE 2022 ELECTIONS”.

Bagamat walang binanggit na pangalan ay kinukundena ng samahan ng mga Katolikong paaralaan ang mga kandidatong ibinabahagi ang ‘Martial Law’ na nakatulong sa Pilipinas.

Kasama dito ang pagkundena sa mga kandidatong tahasang sinuportahan ang madugong “war on drugs” ng kasalukuyang administrasyon at pagsasawalang kibo ng pamahalaan sa patuloy na pagkamkam ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit ni CEAP Executive Director Jose Allan Arellano na mahalagang maging katangian ng mga presidential candidates ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon at pag-unawa upang epektibong mapaunlad ang sektor ng edukasyon higit na sa patuloy na pagharap ng bansa sa krisis ng Pandemya.

“Ang kandidato sa pagkapangulo ay dapat naniniwala sa agham at katotohanan para magkaroon ng tamang pananaw sa pagpapaunlad ng edukasyon. Hindi pwede naniniwala at gumagamit ng fake news para manlinlang. Dapat hindi nya babaguhin ang kasaysayan at matututo siya dito para sa ikabubuti ng bansa,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Arellano sa Radio Veritas.

Ayon kay Arellano, kailangan din ng platapormang magdaragdag ng pondo upang mapabuti ang mga pampubliko at pampribadong paaralan para mapataas ang antas ng edukasyon sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 13,246 total views

 13,246 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 21,346 total views

 21,346 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 39,313 total views

 39,313 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 68,584 total views

 68,584 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 89,161 total views

 89,161 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 8,358 total views

 8,358 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 6,891 total views

 6,891 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top