Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, binalaan ng Diocese of Novaliches laban sa scammer

SHARE THE TRUTH

 414 total views

Muling nagbabala ang Diyosesis ng Novaliches kaugnay sa scammer na nagpapakilalang seminarista upang makakuha ng mga donasyon.

Sa inilabas na pahayag ng diyosesis umiikot sa komunidad ng Commonwealth sa Quezon City partikular sa Kristong Hari Parish at Parokya ng Mabuting Pastol ang nagpakilalang John Michael Castillo upang humingi ng tulong pinansyal para sa ordinasyon.

Mariing itinanggi ng diyosesis ang pagkilanlan ni Castillo at hinikayat ang mamamayan na maging mapagmatyag at ipagbigay-alam sa kinauukulan ang kinaroroonan upang mapigilan ang panloloko.

“Siya [John Michael Castillo] ay HINDI seminarista ng ating Diyosesis [Novaliches]; kung sakaling magpunta siya sa inyong komunidad, mainam na ipagbigay alam po kaagad natin sa barangay o pulisya,” bahagi ng panawagan ng diyosesis.

Maraming beses nang nagbigay babala ang simbahan hinggil sa suspek na gumagamit ng iba’t ibang pangalan para makapanloko sa kapwa gamit ang simbahang katolika.

Batay sa mga ulat na natanggap ng diyosesis humihingi si Castillo ng donasyon para sa ordinasyon sa Marso.

Bukod sa Novaliches umiikot din ang suspek sa iba pang diyosesis lalo na sa Metro Manila sa kaparehong dahilan.

Mariing pinaalalahanan ng simbahang katolika ang mananampalataya na mag-ingat sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ng simbahan, cardinal, obispo o mga pari sa pangangalap ng donasyon upang makaiwas sa scam.

Kung makatatanggap ng mga solicitation letters lalo sa online mangyaring makipag-ugnayan at beripikahin sa tanggapan ng parokya o sa diyosesis kung lehetimo ang sulat na natanggap.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 7,082 total views

 7,082 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,398 total views

 15,398 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 34,130 total views

 34,130 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,636 total views

 50,636 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,900 total views

 51,900 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 1,127 total views

 1,127 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top