Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Presidentiables na nagsusulong ng katotohanan at agham, iboto sa May 2022 election

SHARE THE TRUTH

 433 total views

Mahalagang taglay ng kandidato sa pagkapangulo ang paniniwala sa katotohanan at agham.

Ito ang pagbabahagi ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) kaugnay ng kanilang pahayag na may titulong “A CALL TO MORAL COURAGE IN THE 2022 ELECTIONS”.

Bagamat walang binanggit na pangalan ay kinukundena ng samahan ng mga Katolikong paaralaan ang mga kandidatong ibinabahagi ang ‘Martial Law’ na nakatulong sa Pilipinas.

Kasama dito ang pagkundena sa mga kandidatong tahasang sinuportahan ang madugong “war on drugs” ng kasalukuyang administrasyon at pagsasawalang kibo ng pamahalaan sa patuloy na pagkamkam ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit ni CEAP Executive Director Jose Allan Arellano na mahalagang maging katangian ng mga presidential candidates ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon at pag-unawa upang epektibong mapaunlad ang sektor ng edukasyon higit na sa patuloy na pagharap ng bansa sa krisis ng Pandemya.

“Ang kandidato sa pagkapangulo ay dapat naniniwala sa agham at katotohanan para magkaroon ng tamang pananaw sa pagpapaunlad ng edukasyon. Hindi pwede naniniwala at gumagamit ng fake news para manlinlang. Dapat hindi nya babaguhin ang kasaysayan at matututo siya dito para sa ikabubuti ng bansa,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Arellano sa Radio Veritas.

Ayon kay Arellano, kailangan din ng platapormang magdaragdag ng pondo upang mapabuti ang mga pampubliko at pampribadong paaralan para mapataas ang antas ng edukasyon sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 29,149 total views

 29,149 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 47,133 total views

 47,133 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 67,070 total views

 67,070 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,967 total views

 83,967 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,342 total views

 97,342 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top