BIYERNES, OKTUBRE 28, 2022

SHARE THE TRUTH

 623 total views

Kapistahan nina Apostol San Simon at San Judas

Efeso 2, 19-22
Salmo 18, 2-3. 4-5

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

Lucas 6, 12-19



Feast of Sts. Simon and Jude, Apostles (Red)

UNANG PAGBASA
Efeso 2, 19-22

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso

Mga kapatid, hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan. Kayo’y itinayo rin sa saligan ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan ay si Kristo Hesus. At sa pamamagitan niya, nagkakaugnay-ugnay ang bawat bahagi ng gusali at nagiging isang templong banal. Dahil din sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo ma’y kasama nilang naging bahagi ng tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 2-3. 4-5

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila!
Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa!
Bawat araw, bawat gabi, ang ulat ay walang patlang,
patuloy na nag-uulat sa sunod na gabi’t araw.

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

Walang tinig o salitang ginagamit kung sabagay,
at wala ring naririnig na kahit na anong ingay;
gayun pa man, sa daigdig ay laganap yaong tinig,
ang balita’y umaabot sa duluhan ng daigdig.

Laganap na sa daigdig
ang kanilang mga tinig.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Mga tapat na apostol
ay nagpupuri sa Poon
sa langit habang panahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 6, 12-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong mga araw na iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.

Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Oktubre 28
San Simon at San Judas Tadeo

Bilang mga bahagi ng isang gusali na ang pundasyon ay ang mga Apostol at mga propeta, ilapit natin ang ating mga kahilingan sa Ama ng habag.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain mo kami na hinubog mo sa pananampalataya ng mga apostol.

Ang Simbahang Katoliko nawa’y magpatuloy sa paglago sa pamamagitan ng pangangaral at mga halimbawa ng aming mga pinuno sa pananampalataya at mga misyonero, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng sigla at sigasig ni San Simon, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tularan ang pagmamalasakit at kababang-loob ni San Judas Tadeo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y pagkalooban ng Panginoon ng kagalingan at bigyang lakas ang mga nawawalan ng pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y walang hanggang magtamasa ng kaganapan ng mapagligtas na kapangyarihan ng Diyos na matagal nilang pinanabikan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming maawain, sa aming pananalangin para sa iba, nawa ay makabahagi kami sa apostolikong paglilingkod ng mga tinawag at pinili. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 29,505 total views

 29,505 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 62,587 total views

 62,587 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 90,938 total views

 90,938 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 158,669 total views

 158,669 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 179,731 total views

 179,731 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 2,159 total views

 2,159 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

Huwebes, Hulyo 23, 2026

 3,692 total views

 3,692 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida ng Sweden, namanata sa Diyos Jeremias 2, 1-3. 7-8.

Read More »

Miyerkules, Hulyo 22, 2026

 5,382 total views

 5,382 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan,

Read More »

Martes, Hulyo 21, 2026

 6,704 total views

 6,704 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng Simbahan Mikas 7,

Read More »

Lunes, Hulyo 20, 2026

 7,827 total views

 7,827 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mikas 6, 1-4. 6-8 Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top