Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, SETYEMBRE 30, 2022

SHARE THE TRUTH

 255 total views

Paggunita kay San Jeronimo,
pari at pantas ng Simbahan

Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5
Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Lucas 10, 13-16



Memorial of St. Jerome, Priest and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5

Pagbasa mula sa aklat ni Job

Sa gitna ng nag-aalimpuyong bagyo, ganito ang sinabi ng Diyos kay Job:
“Job, nakalikha ka ba kahit isang bukang liwayway?
Ang daigdig ba ay iyong naigawa ng tanglaw,
upang ang masasama’y mabulabog sa taguan?
Dahil sa sikat ng araw ay nagliwanag ang lahat,
parang damit na inayos, ngayon ay nakahayag.
Sa liwanag ng araw natatakot ang masama,
pagkat ang karahasa’y hindi nila magagawa.”

“Napunta ka na ba sa pinagmumulan ng bukal?
Nakalakad ka na ba sa pusod ng karagatan?
May nakapagturo na ba sa iyo sa pintuan
na ang hantungan ay madilim na hukay?
Nalalaman mo ba ang sukat nitong mundo?
Kung may nalalaman ka, lahat ay sabihin mo.

“Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag,
o ang kadiliman, kung saan nagbubuhat?
Masasabi mo ba kung saan sila dapat humangga,
o sa pinanggalingan kaya’y mapababalik mo sila?
Ikaw ay matanda na baka nga iyong kaya,
pagkat nang likhain ang daigdig, ikaw ay bata na.”

Ang sagot ni Job:
“Narito, ako’y hamak, walang kabuluhan,
wala akong isasagot, bibig ay tatakpan.
Sa panig ko’y nasabi na ang lahat ng sasabihin,
ako’y di na kikibo, nasabi’y di na uulitin.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Ako’y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
ang lahat kong lihim, Poon, ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.
Ako’y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain ko’y pawang iyong nalalaman.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Saan ako magpupunta, upang ako’y makatakas?
Sa Banal mong Espiritu’y hindi ako makaiwas.
Kung langit ang puntahan ko, pihong ika’y naroroon,
sa Sheol ay naroon ka kung do’n ako manganganlong.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan,
o kaya ang tirahan ko’y ang duluhan ng kanluran;
pihong ikaw ay naroon, upang ako’y pangunahan,
matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha,
sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,
ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay.

Poon, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

ALELUYA
Salmo 94, 8ab

Aleluya! Aleluya!
Dinggin ninyong lahat ngayon
ang tinig ng Panginoon
sa loob na mahinahon.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 10, 13-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon sinabi ni Hesus, “Kawawa ka, Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo, disin sana’y malaon na silang nagdaramit ng sako at nauupo sa abo upang ipakilalang sila’y nagsisisi. Sa Araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa kaparusahan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At ikaw, Capernaum,
Ibig mong mataas hanggang sa langit?
Ibabagsak ka sa Hades!
“Ang nakikinig sa inyo’y nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyo’y nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.



PANALANGIN NG BAYAN
Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Ipanalangin natin ang lahat ng lalaki at babae upang pakinggan nila si Kristo at tumugon sila sa tawag ng pagbabalik-loob at pagbabago.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, buksan Mo ang aming mga puso.

Ang Simbahan nawa’y maging instrumento ng pagpapanumbalik ng mga tao sa kawan at maging instrumento ng paghahanda sa kanilang pagpasok sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng mga bansa nawa’y magkapit-kamay sa pagdadala ng kalayaan at dangal sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mapanibago araw-araw sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos na tumatawag sa atin sa higit na mabuting pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinahina ng pagkakasakit nawa’y mabigyang lakas sa pag-ibig at suporta ng kanilang mga kapamilya at mga mahal sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makamtan ang walang hanggang kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Walang hanggang Ama, hilumin mo ang aming pagkamakasarili at buksan ang aming puso na tanggapin ang Mabuting Balita ng kaligtasan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

KOOPERATIBA

 13,451 total views

 13,451 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 19,422 total views

 19,422 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 23,605 total views

 23,605 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 32,889 total views

 32,889 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 40,225 total views

 40,225 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Martes, Oktubre 15, 2024

 156 total views

 156 total views Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin ang pag-ibig mong magiliw. Lucas 11, 37-41 Memorial of St. Teresa of Jesus, Virgin and Doctor of the Church (White) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-28 Linggo

Read More »

Lunes, Oktubre 14, 2024

 488 total views

 488 total views Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Calixto I, martir Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5a at 6-7 Ngalan ng D’yos ay idangal ngayon at magpakailanman. Lucas 11, 29-32 Monday of the Twenty-eighth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of

Read More »

Linggo, Oktubre 13, 2024

 1,003 total views

 1,003 total views Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Karunungan 7, 7-11 Salmo 89, 12, 13. 14-15. 16-17 Pag-ibig mo’y ipadama; aawit kaming masaya. Hebreo 4, 12-13 Marcos 10, 17-30 o kaya Marcos 10, 17-27 Twenty-eighth Sunday in Ordinary Time (Green) Indigeneous People’s Sunday Extreme Poverty Day UNANG PAGBASA Karunungan 7, 7-11 Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

Read More »

Sabado, Oktubre 12, 2024

 1,482 total views

 1,482 total views Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Nasa isip ng Maykapal ang tipan niya kailanman. Lucas 11, 27-28 Saturday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

Read More »

Biyernes, Oktubre 11, 2024

 1,746 total views

 1,746 total views Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Papa San Juan XXIII Galacia 3, 7-14 Salmo 110, 1-2. 3-4. 5-6 Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 11, 15-26 Friday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John XXII, Pope (White) UNANG PAGBASA Galacia 3, 7-14

Read More »

Huwebes, Oktubre 10, 2024

 2,009 total views

 2,009 total views Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang Israel. Lucas 11, 5-13 Thursday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 3, 1-5 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Nahihibang na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 9, 2024

 2,337 total views

 2,337 total views Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina Obispo San Dionisio at mga kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San Juan Leonardo, pari Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral. Lucas 11, 1-4 Wednesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) or Optional

Read More »

Martes, Oktubre 8, 2024

 2,608 total views

 2,608 total views Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 38-42 Tuesday of the Twenty-seventh Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Galacia 1, 13-24 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 7, 2024

 2,608 total views

 2,608 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 1, 6-12 Salmo 110, 1-2. 7-8. 9 at 10k Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain. Lucas 10, 25-37 Memorial of Our Lady of the Rosary (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Galacia 1, 6-12 Pagbasa

Read More »

Linggo, Oktubre 6, 2024

 2,779 total views

 2,779 total views Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Genesis 2, 18-24 Salmo 127, 1-2. 3. 4-5. 6 Tayo nawa ay basbasan ng Poon magpakailanman. Hebreo 2, 9-11 Marcos 10, 2-16 o kaya Marcos 10, 2-12 Twenty-seventh Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Genesis 2, 18-24 Pagbasa mula sa aklat ng Genesis Sinabi ng Panginoong Diyos: “Hindi

Read More »

Sabado, Oktubre 5, 2024

 2,538 total views

 2,538 total views Sabado ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Maria Faustina Kowalska Job 42, 1-3. 5-6. 12-16 Salmo 118, 66. 71. 75. 91. 125. 130 Tumanglaw ka sa lingkod mo at pagpalain mo ako. Lucas 10, 17-24 Saturday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St.

Read More »

Biyernes, Oktubre 4, 2024

 2,956 total views

 2,956 total views Paggunita kay San Francisco de Asis Job 38, 1. 12-21; 40, 3-5 Salmo 138, 1-3. 7-8. 9-10. 13-14ab Poon, ako ay samahan sa buhay na walang hanggan. Lucas 10, 13-16 Memorial of St. Francis of Assisi (White) Mga Pagbasa mula sa Biyernes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Job 38,

Read More »

Huwebes, Oktubre 3, 2024

 3,077 total views

 3,077 total views Huwebes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Job 19, 21-27 Salmo 26, 7-8a. 8b-9abk. 13-14 Makikita ang Maykapal sa kanyang lupang hinirang. Lucas 10, 1-12 Thursday of the Twenty-sixth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Job 19, 21-27 Pagbasa mula sa aklat ni Job Sinabi ni Job: “Aking mga kaibigan, ako’y

Read More »

Miyerkules, Oktubre 2, 2024

 4,486 total views

 4,486 total views Paggunita sa mga Anghel na Tagatanod Job 9, 1-12. 14-16 Salmo 87, 10bk-11. 12-13. 14-15 Panginoon, ako’y dinggin sa pagsamo ko’t dalangin. Mateo 18, 1-5. 10 Memorial of the Holy Guardian Angels (White) Mga Pagbasa mula sa Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) at Hanay ng mga Banal UNANG PAGBASA Job

Read More »

Martes, Oktubre 1, 2024

 5,522 total views

 5,522 total views Paggunita kay Santa Teresita ng Sanggol na si Hesus, dalaga Job 3, 1-3. 11-17. 20-23 Salmo 87. 2-3. 4-5. 6. 7-8 Panginoon, ako’y diggin sa pagsamo ko’t dalangin. Lucas 9, 51-56 Memorial of St. Therese of the Child Jesus (White) Mission Day for Religious Sisters Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-26 na Linggo

Read More »
Scroll to Top