Huwebes, Marso 20, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,634 total reads

Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Jeremias 17, 5-10
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Lucas 16, 19-31

Thursday of the Second Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Jeremias 17, 5-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

Sinabi ng Panginoon,
“Parurusahan ko ang sinumang tumatalikod sa akin,
at nagtitiwala sa kanyang kapwa,
sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay.
Ang katulad niya’y halamang tumubo sa ilang,
sa lupang tigang, at sa lupang maalat na walang ibang tumutubo;
walang mabuting mangyayari sa kanya.
“Ngunit maligaya ang taong nananalig sa Panginoon,
pagpapalain ang umaasa sa kanya.
Ang katulad niya’y halamang nakatanim sa tabi ng batisan,
ang mga ugat ay patungo sa tubig;
hindi ito manganganib kahit dumating ang tag-init,
sapagkat mamamalaging luntian ang mga dahon nito,
kahit di umuula’y wala itong aalalahanin;
patuloy pa rin itong mamumunga.
“Sino ang makauunawa sa puso ng tao?
Ito’y magdaraya at walang katulad;
wala nang lunas ang kanyang kabulukan.
Akong Panginoon ang sumisiyasat sa isip
at sumusubok sa puso ng mga tao.
Ginagantihan ko ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay,
at ginagantimpalaan ayon sa kanyang ginagawa.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Mapalad ang taong hindi naakit niyong masasama,
upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa;
hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y
pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila.
Nagagalak siyang laging magsaliksik ng banal na aral,
ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan,
sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan,
at anumang gawin ay nakatitiyak na magtatagumpay.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis,
siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umiihip.
Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat,
ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak.

Mapalad ang umaasa
sa Panginoon tuwina.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Lucas 8, 15

Mapalad ang nag-iingat
sa kanyang pusong matapat
ng Salitang nagbubuhat
sa Poong D’yos ng liwanag,
sa t’yaga’y aaning ganap.

MABUTING BALITA
Lucas 16, 19-31

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: “May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling si Lazaro. At sumigaw siya, ‘Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaro’y nagtiis ng kahirapan. Ngunit ngayo’y inaaliw siya rito, samantalang ikaw nama’y nagdurusa. Higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini.’ At sinabi ng mayaman, ‘Kung gayon po, Amang Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama, sapagkat ako’y may limang kapatid na lalaki. Paparoonin nga ninyo siya upang balaan sila at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa.’ Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta; pakinggan nila ang mga iyon.’ ‘Hindi po sapat ang mga iyon,’ tugon niya, ‘ngunit kung pumunta sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan.’ Sinabi sa kanya ni Abraham, ‘Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay.’”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Kuwaresma
Huwebes

Habang inaalaala natin ang mga pangangailangan ng mga dukha, lumapit tayo sa ating Diyos na nagbahagi sa lahat ng kanyang kayamanan sa pagsusugo ng kanyang Anak sa mundo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng mga dukha, pagpalain Mo kami.

Ang Simbahan nawa’y ipadama ang habag ni Kristo sa mga dukha na nagpupunyagi para sa isang higit na makatarungang lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga natutuksong maging alipin ng kayamanan at kapanatagang dulot ng mga materyal na bagay nawa’y makaunawa na nagmumula ang espiritwal na kahirapan sa pagtangging magbahagi sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y tumanggap ng biyayang magpakita ng awa at habag, pag-unawa at pagiging bukas-palad sa mga nangangailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y palakasin ng init ng mapagmahal na presensya ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa nawa’y makabahagi sa kaligayahan at kapayapaan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, sa iyong pag-ibig at habag, puspusin mo kami ng iyong nag-uumapaw na kabutihang-loob at tulungan kaming dumamay sa mga kapuspalad. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Fashion show sa baha

 17,779 total reads

Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit?

Ang Pampanga ay ang pinakamatinding tinamaan ng habagat nitong mga nakaraang linggo. Ayon sa Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot na sa 1.3 bilyong piso ang pinsala sa mga pananim, pangisdaan, makinarya, at pasilidad. Maraming pamilya ang naapektuhan ng baha at kinailangang harapin ang pagkawala ng kanilang kabuhayan at mga ari-arian.

Sa gitna ng ganitong sitwasyon, naging viral sa social media ang mga larawan ng mag-inang sina Pampanga Governor Lilia Pineda at Vice Governor Dennis Pineda habang bumibisita sa mga lugar na sinalanta ng baha. Napansin ng mga netizens ang mga mamahaling tatak ng kanilang mga suot. Isipin niyo, mas mahal pa ang mga ito kaysa sa kinikita ng isang minimum wage worker sa loob ng isang taon!

Para sa marami, hindi lamang ito usapin ng pananamit. Ito ay tungkol sa malaking agwat sa pagitan ng mga lider at ng mga taong kanilang pinaglilingkuran. Habang may mga pamilyang nawalan ng tahanan at naghahanap ng paraan para matustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, ang pagbabalandra ng mamahaling kasuotan sa gitna ng paghihirap ng mga tao ay pagiging manhid.

Humingi ng paumanhin si Governor Lilia kaugnay ng mga kumalat na larawan at video. Ipinaliwanag niyang hindi naman nila sinasadyang magsuot ng ganoong mga damit. Sinabi rin niyang naging “wake-up call” ang mga ito sa kanya.

Pero kailangan pa ba talagang maging “wake-up call” ang ganitong insidente? Matapos ang mahigit isang dekada sa serbisyo-publiko, hindi ba dapat mas maging sensitibo na sila sa epekto ng pagpapakita ng karangyaan, lalo na sa panahon ng matinding krisis?

Sa ilalim ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees o Republic Act No. 6713, nakasaad na dapat mamuhay nang simple at naaayon sa kanilang posisyon at kita ang mga opisyal ng pamahalaan at kanilang pamilya. Hindi sila dapat magpakita ng kayamanan sa paraang maluho o labis.

Ang usapin, samakatuwid, ay hindi lamang kung magkano ang isang raincoat o handbag. Ang tanong ay kung ano ang ipinahihiwatig ng ganitong pagpapakita ng yaman, lalo na kapag ginagawa ito sa harap ng mga mamamayang dumaranas ng matinding hirap.

Mahalaga ring tingnan ang mas malawak na konteksto ng kapangyarihan at kayamanan. Ang mga Pineda ay parte ng isang political dynasty sa Pampanga. Mula 2010, nagsalit-salitan sina Lilia Pineda at ang kanyang anak na si Dennis Pineda sa pagka-gobernador. Ayon sa isang pag-aaral, maaaring gamitin ng mga political dynasties ang kanilang mga ugnayan at kapangyarihan upang mapanatili ang kanilang dominasyon sa ekonomiya at pulitika, pahinain ang kompetisyon, at bawasan ang pananagutan ng mga opisyal. Ito ang isa sa mga pinakamalaking hadlang sa tunay na demokrasya sa bansa.

Paalala sa atin ni Pope Leo XIV na hindi tayo tinatawag na maging “unengaged spectators” sa mga nangyayari sa ating paligid. Sa halip, kailangan nating makinig, maantig, at makilahok. Lalo itong mahalaga sa panahon ng sakuna, kung kailan kailangang maramdaman ng mga tao na hindi sila nag-iisa.

Mga Kapanalig, sa panahon ng kalamidad, hindi fashion show ang kailangan ng ating mga kababayan. Kailangan natin ng mga lider na ang paglilingkod ay nakikita sa kanilang mga ginagawa, lalo na sa panahon ng krisis. Kailangan natin ng mga lider na ang pamumuno ay nakikita sa gawa at tunay na nakatuon sa kapakanan ng publiko, at hindi sa pansarili o pampamilyang interes. Gaya ng paalala sa 1 Juan 3:18, “[H]uwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.” 

Sumainyo ang katotohanan.

BAYAN KO

 4,783 total reads

I used to be bothered by the slogan TAPAT KO, LINIS KO. It sounded almost unpatriotic to me. As though my responsibility ended at the few square meters directly in front of my house. As though the street beyond it, the canal at the corner, the public market, the plaza, the park, the estero, the river, the mountain and the forest belonged to somebody else.

I would rather say: BAYAN KO, LINIS KO.

Perhaps this is one reason we have learned to tolerate a government that does not work as it should. We have become accustomed to taking care of our private spaces while regarding public spaces as nobody’s responsibility. We keep our homes clean while throwing garbage into canals. We complain when the streets flood, but hardly ask whether the drainage system is regularly cleared, whether waterways are properly maintained, or whether flood-control projects actually form part of a coherent plan.

And this goes far beyond cleanliness.

Why do we accept highways built without adequate drainage, roads that flood almost as soon as the rains come, and farm-to-market roads that somehow need repair even before they are properly finished? Why do we tolerate government buildings constructed grandly for ribbon-cuttings but left to deteriorate afterward—broken toilets, dead escalators, leaking roofs, neglected gardens, air-conditioning units exhausting hot air into crowded corridors?

A government that works does not merely build. It maintains.

Maintenance is not glamorous. There is no ribbon to cut when a drainage canal is routinely cleared, when a public toilet is kept clean and functional, when an elevator is repaired before it breaks down completely, when a road is resurfaced at the proper time, when waterways are regularly dredged, or when trees are cared for after they have been planted. Yet these ordinary, unphotogenic tasks are precisely what distinguish functioning public institutions from a culture of pwede na and bahala na.

The same mentality explains why politicians are able to put their names and faces on projects paid for with public money: PROJECT OF CONGRESSMAN SO-AND-SO.

Really? Did he sell his house to build it? Did he empty his bank account? Or was it paid for by the market vendor every time she bought rice, by the teacher whose taxes were withheld from her salary, by the tricycle driver every time he bought fuel?

A road is not a favor. A hospital is not a favor. A school is not a favor. Medicine from a government hospital is not ayuda from a politician. Public money is the people’s money. Public service is not an act of generosity by those in power. It is their duty.

But citizenship also has duties.

We cannot demand a government that works while surrendering the public realm to apathy. We cannot complain about dirty streets while saying, “Hindi ko naman tapat iyan.” We cannot deplore corruption but continue treating politicians as patrons from whom we ask personal favors. We cannot demand accountability only when the consequences finally reach our own homes.

Democracy does not end with choosing our leaders. We also have to watch them, question them, hold them accountable—and care for the common spaces and institutions that belong to all of us.

In that sense, we do get the kind of leadership and governance that we are willing to tolerate. Bad governance thrives not only because there are corrupt officials, but also because there are citizens who have grown accustomed to shrugging their shoulders and saying, Ganyan talaga.

No. It does not have to be ganyan talaga.

Perhaps it is time to enlarge the little territory covered by TAPAT KO, LINIS KO.

The street is ours. The drainage system is ours. The public school and hospital are ours. The rivers and forests and mountains are ours. The taxes are ours. The government itself is ours.

BAYAN KO, LINIS KO.
BAYAN KO, BANTAY KO.
BAYAN KO, PANANAGUTAN KO.

BIG FISH: CAUGHT IN THE FLOOD

 4,789 total reads

Our ancestral home in Betis survived Pinatubo and the lahar. We saved the old house by hydraulically raising its original wooden upper floor by almost twelve feet and supporting it on concrete posts. We then rebuilt the ground floor, determined that floodwaters would never reach it again.

The street itself had already been elevated by almost four feet, so we filled up the garden by about five feet and raised the new ground floor by another four.

We thought that should be high enough. Apparently, it wasn’t. The flood water rose up to five feet and turned our garden into a huge fishpond. This time it reached even the elevated first floor—atrium, kitchen, dining room, bedrooms, etc.

Our house caretaker, Jason, tried to make light of the situation. He sent pictures of tiny tilapias he had caught swimming in the flooded garden. We laughed at his “catch”—baby tilapias!—and jokingly wondered whether fish that small already knew how to swim.

Then the other day Jason sent another photograph, this time proudly displaying his latest catch: a big fish—a “bulig,” as we Kapampangans call the “dalag” or mudfish.

I found myself thinking: At last, may nahuling “malaking isda” sa baha. If only we could say the same about the other kind of flood.

I still remember the 2024 SONA, when the President proudly announced that more than 5,500 flood-control projects had already been completed. Just days later, the southwest monsoon intensified by Typhoon Carina submerged large parts of Metro Manila. It was perhaps the first warning of a serious disconnect between the projects reported on paper and the reality on the ground.
By the 2025 SONA, the tone had changed completely. No more boasting. This time, there was anger: “Mahiya naman kayo sa inyong kapwa Pilipino!”—“Have some shame before your fellow Filipinos!” Thunderous applause. Standing ovation. The legislators themselves rose to applaud!!!

Then came the investigations—and a different kind of flood, what Jessica Soho aptly called “PAGBAHA NG KASAKIMAN”—A FLOOD OF GREED.

In August 2025, the President himself released the results of a preliminary review: 9,855 flood-control projects worth about ₱545.6 billion from July 2022 to May 2025. Out of 2,409 contractors, just 15 companies had obtained about ₱100 billion worth of contracts—roughly 20% of the total.

Then came an unusual twist. Malacañang launched the Sumbong sa Pangulo website, where ordinary citizens could look up flood-control projects in their communities and report those that were unfinished, defective—or simply nonexistent.

And the revelations came one after another: alleged ghost projects in Bulacan and elsewhere; testimonies about “SOP,” percentages and mock bidding; photographs of huge piles of ₱1,000 bills; allegations about how commissions were prorated. The trail led from contractors to district engineers, to higher DPWH officials—and eventually to the very process by which projects found their way into the national budget.

For this was not just about stealing from projects after they had been awarded. The deeper problem was a system that had made public infrastructure vulnerable to political patronage from the budgeting stage itself—through so-called “allocables,” patronage-based priority projects, controversial bicam insertions and “parking,” and huge Unprogrammed Appropriations.

Flood-control projects could become political currency. Instead of beginning with the question, What does this watershed or river basin actually need?, the process could be distorted by another question: Who has an allocation, where will it be placed, who gets the contract, and who gets a share?

When politics dictates engineering, the question ceases to be “Where does the water flow?” It becomes “Where does the money flow?”

No wonder public anger spilled into the streets, culminating in the Trillion Peso March. It is difficult to forget the images of money piled high on tables while ordinary families were shoveling mud out of their flooded homes.

That is why the latest developments do matter. I hear that some powerful figures have been charged with plunder over the alleged multibillion-peso kickback scheme involving government projects. The Sandiganbayan has found probable cause and ordered their arrest. Of course, a charge is not a conviction. Those charged remain entitled to due process and the presumption of innocence.

But let us hope that this time, those truly responsible for the plunder of public funds—no matter how powerful or well-connected—will finally be held to account. We cannot allow this to end with hearings, exposés and headlines. There must be accountability before the law.

I admit I was not at all optimistic that the investigations would eventually lead to the prosecution—and, where the evidence warrants it, the conviction—not only of the small fry but of some of the so-called “big fish” as well. I hope I am proven wrong.

Because even now, communities where billions have supposedly been spent on flood control continue to go under water. Perhaps this is what happens when projects are determined by political boundaries and allocations rather than watersheds, river basins, sound engineering and the actual behavior of water.

Let the evidence lead wherever it must. No sacred cows. No selective justice. And let those proven guilty be held accountable according to law.

Jason managed to catch his big fish in our flooded garden. Let us hope our justice system can do a little better than Jason and catch the bigger ones.

Public money is people’s money. And when money meant to protect people from floods is stolen, it is not just money that disappears. Homes, livelihoods, futures—and sometimes lives themselves—are swept away.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 17,781 total reads

 17,781 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 41,246 total reads

 41,246 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 77,747 total reads

 77,747 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 298,371 total reads

 298,371 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 332,025 total reads

 332,025 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Setyembre 11, 2026

 1,437 total reads

 1,437 total reads Biyernes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 9, 16-19. 22b-27 Salmo 83, 3. 4. 5-6. 12 Ang templo mo’y aking

Read More »

Huwebes, Setyembre 10, 2026

 2,673 total reads

 2,673 total reads Huwebes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 8, 1b-7. 11-13 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 23-24 Poon, ako ay samahan sa

Read More »

Miyerkules, Setyembre 9, 2026

 3,799 total reads

 3,799 total reads Miyerkules ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 7, 25-31 Salmo 44, 11-12. 14-15. 16-17 O kab’yak ng hari namin, ang

Read More »

Martes, Setyembre 8, 2026

 4,857 total reads

 4,857 total reads Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria Mikas 5, 1-4a o kaya Roma 8, 28-30 Salmo 12, 6ab. 6kd Ang lubos kong kasiyahan

Read More »

Lunes, Setyembre 7, 2026

 4,716 total reads

 4,716 total reads Lunes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 1 Corinto 5, 1-8 Salmo 5, 5-6. 7. 12 Poon, ako’y pangunahan nang landas mo’y

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top