Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwebes, Mayo 1, 2025

SHARE THE TRUTH

 400 total views

Paggunita kay San Jose, manggagawa

Genesis 1, 26 – 2, 3
o kaya Colosas 3, 14-15. 17. 23-24
Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Mateo 13, 54-58

Memorial of Saint Joseph the Worker (White)

UNANG PAGBASA
Genesis 1, 26 – 2, 3

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika niya, “Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit. Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy na inyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay ibibigay ko naman sa maiilap na hayop, malaki man o maliit, at sa lahat ng mga ibon.” At ito nga ang nangyari. Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga – ito ang ika-anim na araw.

Gayun nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon. Sa loob ng anim na araw, tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at siya’y nagpahinga sa ikapitong araw. Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinangi, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Colosas 3, 14-15. 17. 23-24

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mga kapatid, higit sa lahat, mag-ibigan kayo pagkat ito ang buklod ng ganap na pagkakaisa. At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Kristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi. At anuman ang gagawin ninyo, maging sa salita o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Hesus, at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.

Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang magaan sa kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon. Alam naman ninyong gagantimpalaan kayo ng Panginoon; tatanggapin ninyo ang inilaan niya sa kanyang mga anak. Sapagkat si Kristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 89, 2. 3-4. 12-13. 14 at 16

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

o kaya: Aleluya.

Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang
hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan,
ikaw noon ay Diyos na, pagkat ika’y walang hanggan.

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Yaong taong nilikha mo’y bumabalik sa alabok,
sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos.
Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw,
sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang;
isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan.

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Yamang itong buhay nami’y maikli lang na panahon.
Itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.
Hanggang kailan pa ba, Poon, titiisin yaring lagay
nitong iyong mga lingkod, sa gitna ng kahirapan?

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

Kung umaga’y ipadama yaong wagas mong pag-ibig,
at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit,
ipakita sa lingkod mo ang dakila mong gawain,
at sa sunod naming lahi, ipadama ay gayun din.

Poon kami’y pagpalain
at iyong pagtagumpayin.

ALELUYA
Salmo 67, 20

Aleluya! Aleluya!
Manunubos naming mahal,
salamat sa ‘yong patnubay
at paglingap araw-araw.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 13, 54-58

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila, “Saan kumuha ng karunungan ang taong ito? Paano siya nakagagawa ng kababalaghan? Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid na lalaki? At dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba? Saan niya natutunan ang lahat ng ito?” At ayaw nilang kilanlin siya. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang propeta’y iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling bayan at sa kanyang sariling sambahayan.” At dahil sa di nila pagsampalataya, hindi siya gumawa roon ng maraming kababalaghan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Mayo 1
San Jose Manggagawa

Manalangin tayo kay San Jose para sa lahat ng ating mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Paramihin mo ang bunga ng aming mga gawa, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y magpatuloy sa pagpapahayag ng mga kahalagahan ng katarungan bilang susi sa ating kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan at mga ekonomista nawa’y magsikap para sa makatarungang pamamahagi ng mga yaman at magtaguyod ng dangal ng lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga negosyante nawa’y gamitin ang kanilang mga pangkabuhayang interes para sa paglilingkod sa lahat, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at mga walang hanapbuhay nawa’y makatagpo ng marangal na paraan ng ikabubuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong naghirap sa paggawa noong sila ay nabubuhay pa rito sa lupa nawa’y makatanggap ng kanilang gantimpala sa kabilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng aming Manunubos, sa pagsasama ng aming mga panalangin at sa pamamagitan ni San Jose, tulungan mo kaming makita sa aming mga pagkilos ang dangal sa paggawa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.


Huwebes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 5, 27-33
Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Juan 3, 31-36

Thursday of the Second Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 5, 27-33

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol

Noong mga araw na iyon, ang mga Apostol ay siniyasat ng pinakapunong saserdote. “Mahigpit naming ipinagbawal sa inyo ang pangangaral sa pangalan ng Hesus na iyan,” wika niya, “ngunit tingnan ninyo ang inyong ginawa! Laganap na sa Jerusalem ang inyong aral, at ibig pa ninyo kaming panagutin sa pagkamatay ng taong iyan!” Ngunit sumagot si Pedro at ang ibang mga apostol, “Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao. Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Hesus na pinatay ninyo nang inyong ipabitay sa krus. Iniakyat siya ng Diyos sa kanyang kanan bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ng pagkakataon ang mga Israelita na magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at sa gayon, sila’y patawarin. Saksi kami sa mga bagay na ito – kami at ang Espiritu Santo na ipinagkaloob ng Diyos sa mga tumatalima sa kanya.” Nagngitngit sa galit ang mga bumubuo ng Sanedrin nang marinig ito, at ibig nilang ipapatay ang mga apostol.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2 at 9. 17-18. 19-20

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

o kaya: Aleluya!

Panginoo’y aking laging pupurihin;
sa pasasalamat di ako titigil.
Ang galing ng Poon hanaping masikap;
yaong nagtiwala sa kanya’t naligtas
ay maituturing na taong mapalad.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Nililipol niya yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.
Agad dinirinig daing ng matuwid,
inililigtas sila sa mga panganib.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asa’y hindi binibigo.
Ang taong matuwid, masuliranin man,
sa tulong Poon, agad maiibsan.

Dukhang sa D’yos tumatawag
ay kanyang inililigtas.

ALELUYA
Juan 20, 29

Aleluya! Aleluya!
Mapalad at maligaya
ang sumasampalataya
sa di nakita ng mata!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 3, 31-36

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon: sinabi ni Hesus kay Nicodemo:

“Ang mula sa itaas ay dakila sa lahat; ang mula sa lupa ay taga-lupa at nagsasalita tungkol sa mga bagay sa lupa. Ang mula sa langit ay dakila sa lahat. Pinatototohanan niya ang kanyang nakita at narinig, ngunit walang maniwala sa kanyang patotoo. Ang naniniwala sa kanyang patotoo ay nagpapatunay na tapat ang Diyos. Sapagkat ang sinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng mga salita ng Diyos; at walang sukat ang kanyang pagkakaloob ng Espiritu Santo. Minamahal ng Ama ang Anak, at ibinigay sa kanya ang kapamahalaan ng lahat ng bagay. Ang nananalig sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak, hindi nagkakaroon ng buhay – mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes

Tayong mga tumanggap ng buhay ni Jesus ay tinatawagang mamuhay nang lubos ayon sa kanyang mga aral.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ibuhos Mo ang iyong espiritu.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng mga pinuno nito, nawa’y buong tapang na humarap sa hamon ng patuloy na pagbabago, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang pamahalaan nawa’y manindigan sa kanyang pagsisikap na makapagbigay ng mataas na uri ng paglilingkod sa mga mamamayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga nangangailangan nawa’y hindi natin isara ang ating mga puso at pagsikapan nating makibahagi sa misyon ni Kristo ng pagpapagaling at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nagdurusa sa sakit na walang lunas nawa’y palakasin ng kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng nakapagpapagaling na biyaya sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, namuhay bilang isang tao ang iyong Anak upang ibahagi sa amin ang iyong buhay. Ipagkaloob mo na maging matatag kami sa aming pananampalataya sa kanya upang makapamuhay kami nang may pananagutan bilang iyong mga anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 5,611 total views

 5,611 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 23,578 total views

 23,578 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 53,114 total views

 53,114 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 73,784 total views

 73,784 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 82,007 total views

 82,007 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Watch Live

Related Post

Sabado, Mayo 10, 2025

 5 total views

 5 total views Sabado sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan ng Avila, Pari at Pantas ng Simbahan Mga Gawa 9,

Read More »

Biyernes, Mayo 9, 2025

 352 total views

 352 total views Biyernes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 9, 1-20 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Huwebes, Mayo 8, 2025

 949 total views

 949 total views Huwebes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 26-40 Salmo 65, 8-9. 16-17. 20 Sangkalupaang nilalang galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Miyerkules, Mayo 7, 2025

 517 total views

 517 total views Miyerkules sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 8, 1b-8 Salmo 65, 1-3a. 4-5. 6-7a. Sangkalupaang nilalang, galak sa Poo’y isigaw.

Read More »

Martes, Mayo 6, 2025

 1,305 total views

 1,305 total views Martes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 7, 51 – 8, 1a Salmo 30, 3kd-4. 6ab at 7b at 8a.

Read More »

Lunes, Mayo 5, 2025

 1,760 total views

 1,760 total views Lunes sa Ika-3 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 6, 8-15 Salmo 118, 23-24. 26-27. 29-30 Mapalad ang sumusunod sa utos ng

Read More »

Linggo, Mayo 4, 2025

 1,671 total views

 1,671 total views Ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 27b-32. 40b-41 Salmo 29, 2 at 4. 5 at 6. 11 at

Read More »

Sabado, Mayo 3, 2025

 2,512 total views

 2,512 total views Kapistahan nina Apostol San Felipe at Santiago 1 Corinto 15, 1-8 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig.

Read More »

Biyernes, Mayo 2, 2025

 2,729 total views

 2,729 total views Paggunita kay San Atanasio, obispo at pantas ng Simbahan Mga Gawa 5, 34-42 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Ang tanging aking mithii’y Panginoo’y

Read More »

Miyerkules, Abril 30, 2025

 3,980 total views

 3,980 total views Miyerkules sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 5, 17-26 Salmo 33, 2-3. 4-5.

Read More »

Martes, Abril 29, 2025

 4,361 total views

 4,361 total views Pagggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 4, 23-27 Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5 Panginoo’y naghari na!

Read More »

Lunes, Abril 28, 2025

 4,976 total views

 4,976 total views Lunes sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pedro Chanel, pari at martir o kaya Paggunita kay San Luis Maria

Read More »

Linggo, Abril 27, 2025

 5,384 total views

 5,384 total views Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (K) Mga Gawa 5, 12-16 Salmo 117, 2-4. 22-24. 25-27a Butihing Poo’y purihin pag-ibig n’ya’y walang

Read More »

Sabado, Abril 26, 2025

 5,674 total views

 5,674 total views Sabado sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 13-21 Salmo 117, 1 at 14-15. 16ab-18. 19-21 Pinupuri

Read More »

Biyernes, Abril 25, 2025

 4,728 total views

 4,728 total views Biyernes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 4, 1-12 Salmo 117, 1-2 at 4. 22-24. 25-27a Batong

Read More »
Scroll to Top