HUWEBES, PEBRERO 22, 2024

SHARE THE TRUTH

 7,236 total reads

Kapistahan ng Luklukan ni Apostol San Pedro

1 Pedro 5, 1-4
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Mateo 16, 13-19

Feast of Chair of St. Peter the Apostle (White)

UNANG PAGBASA
1 Pedro 5, 1-4

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pedro

Mga pinakamamahal, sa matatandang namamahala sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang tulad ninyo. Nasaksihan ko ang paghihirap ni Kristo at makakahati naman ako sa karangalang nalalapit nang ipahayag. Ipinamamanhik kong alagaan ninyo ang kawang ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos. Pamahalaan ninyo ito nang maluwag sa loob, hindi napipilitan lamang, sapagkat iyan ang ibig ng Diyos. Gampanan ninyo ang inyong tungkulin, hindi dahil sa masakim na paghahangad ng pansariling kapakinabangan, kundi sa katuwaang maglingkod; hindi bilang panginoon ng inyong mga nasasakupan, kundi bilang uliran ng inyong mga kawan. At pagparito ng Pangulong Pastol ay tatanggap kayo ng maningning na koronang di kukupas kailanman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 16, 18

Ikaw, Pedro, ang saligan
ng aking simbahang banal
na daig ang kamatayan.

MABUTING BALITA
Mateo 16, 13-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, dumating si Hesus sa lupain ng Cesarea ng Filipos. Tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ang Anak ng Tao, ayon sa mga tao?” At sumagot sila, “Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo. Sabi naman ng iba, si Elias kayo. At may nagsasabi pang si Jeremias kayo o isa sa mga propeta.” “Kayo naman, ano ang sabi ninyo? Sino ako?” tanong niya sa kanila. Sumagot si Simon Pedro, “Kayo po ang Kristo, ang Anak ng Diyos na Buhay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito’y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: ang ipagbabawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ang Luklukan ni San Pedro

Ama naming Diyos, sa iyong pangangalaga sa mundo, pinili mo si San Pedro bilang pinuno ng mga Apostol at ulo ng Simbahan. Taglay ang tapat na pagtitiwala sa iyo, nananalangin kami bilang isang pamayanang may pananampalataya sa pamumuno ng kahalili ni San Pedro.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Basbasan Mo ang Iyong simbahan, O Panginoon.

Ang ating Santo Papa (Francisco), ang kahalili ni Pedro, nawa’y gamitin ang kanyang kapangyarihan sa diwa ng paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Santo Papa at mga obispo at mga naglilingkod bilang mga diplomatiko ng tanggapan ng Santo Papa nawa’y maging mabibisang tagapaghatid ng pagkakaisa sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pari at mga mananampalatayang layko nawa’y maging matatag sa kanilang pananampalataya at masunurin sa mga tagapagturo ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatagpo ng kagalingan sa pamamagitan ng ministeryo ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat sa Diyos na namayapa nawa’y makasama ng mga banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, tulungan mo kaming maging mga tapat na tagasunod ng iyong Anak sa pamamagitan ng aming pagsunod sa pag-akay ng kahalili ni San Pedro. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

BLIND GUIDES

 6,344 total reads

Gospel Reading for October 14, 2026 – Luke 11: 42-46

BLIND GUIDES

The Lord said: “Woe to you Pharisees! You pay tithes of mint and of rue and of every garden herb, but you pay no attention to judgment and to love for God. These you should have done, without overlooking the others. Woe to you Pharisees! You love the seat of honor in synagogues band greetings in marketplaces. Woe to you! You are like unseen graves over which people unknowingly walk.” Then one of the scholars of the law said to him in reply, “Teacher, by saying this you are insulting us too.” And he said, “Woe also to you scholars of the law! You impose on people burdens hard to carry, but you yourselves do not lift one finger to touch them.”

————

During Jesus’ time, touching a grave would make a person ritually unclean for seven days, preventing them from entering the temple to worship God. Hence, people avoided graves, and the Jews often painted tombs white so they would be easy to spot and avoid.

Therefore, when Jesus compared the Pharisees to unseen graves, he meant that people who listened to and accepted their teachings unknowingly became unclean.

It is no wonder that Jesus seemed to have lost patience with the Pharisees. Who would not? As Jesus described in Matthew 23:16–19, they were BLIND GUIDES who led people astray through their hypocrisy.

This was a serious matter for Jesus, who came to be the Saviour, because how could people be saved if they listened to the Pharisees? How could the Pharisees themselves be saved when they did not even understand what salvation meant?

When we examine the way we live our lives, are we leading people to Jesus, or are we leading them astray?

Lord Jesus, may we be truly Christians in word and in deed. Amen.

Be my everything, Jesus

 7,001 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 14 October 2026
Memorial of St. Callistus, Pope and Martyr
Galatians 5:18-25     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Luke 11:42-46
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, March 2024.
Be my everything,
Jesus: it is not enough
I follow you because along
the way, I can still stop and roam
around, following my many desires,
the restless longings of my heart
for selfish interests;
teach how to imitate St. Paul
in "crucifying my flesh with its
passions and desires" (Galatians 5:24).
But, 
what is to crucify my flesh
with its passions and desires?

Simply let me focus on you alone,
Jesus, making you the measure of
everything I shall do,
to search for you in everyone I meet,
to bring you out with everyone I meet;
to see more the bigger picture 
of life by resisting the works
of the flesh like "immorarilty,
impurity, licentiousness, idolatry,
sorcery, hatreds, rivalry, jealousy,
outbursts of fury, acts of selfishness,
dissensions, factions, occasions of envy,
drinking bouts, orgies, and the like"
(Galatians 5:19-21).


Keep me aware, 
Jesus,
that as my desires for comfort and ease
are bottomless, 
I shall never be satisfied within
if I see more the things than the persons,
or give much emphasis on my self
than others like the sick and suffering;
let me search for the bigger pictures
of life's many realities like your
plans for eternity so that I may strive more
to crucify my flesh with its passions
and desires by forgetting my little self
I always inflate to look larger than others;
may I give the chance for the Holy Spirit 
to win me over, bearing fruits of
“love, joy, peace, patience, kindness,
generosity, faithfulness, gentleness,
self-control" (Galatians 5:22-23).
Amen.
Photo by author, Chapel of Our Lady of Ephesus, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.

Just energy transition sa Semirara

 63,457 total reads

Mga Kapanalig, just energy transition now! 

Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara. Sa pastoral appeal na inilabas ni Bishop Marvyn Maceda, nanawagan ang diyosesis para sa maayos at makatarungang paghinto ng mining operations sa Semirara. 

Sa pangunguna ng Semirara Mining and Power Corporation (o SMPC), isinasagawa sa isla ang pinakamalaking coal mining operations sa Pilipinas. (Ang coal ay batong uling na sinusunog para makalikha ng kuryente.) Halos limang dekada na ang SMPC doon sa ilalim ng kontratang nag-umpisa pa noong 1977 at mag-e-expire na sa susunod na taon. Rejected ang bid ng SMPC para i-extend ang kanilang kontrata. Binuksan ang bidding nitong Pebrero pero na-postpone noong Abril dahil sa pagsasaayos ng terms of reference ng Department of Energy (o DOE). Hindi pa malinaw kung ano ang mangyayari sa mining operations sa isla kaya hindi rin malinaw kung ano ang kahihinatnan ng libu-libong nagtatrabaho sa minahan.  

Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, presidente ng Caritas Philippines, dating tahanan ang Semirara ng halos lahat ng kilalang species ng mangroves. Ang mga komunidad ay nabubuhay sa pamamagitan ng pangingisda at seaweed farming, salamat sa mayabong na ecosystem ng isla. Pero binago ito ng limang dekadang pagmimina roon. Ang lupa, dagat, at kabuhayan ng mga tao ay isinakripisyo para sa kita. Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ginawa ang mga desisyon tungkol sa sinasabing kaunlaran ng mga tao sa mga board rooms, malayo sa isla at mga komunidad. Kinukondena niya hindi ang mga manggagawa o ang mga taga-Semirara na nagtatrabaho sa minahan kundi ang sistemang itinulak silang pumili sa pagitan ng trabaho o pagsira sa kapaligiran. Ngayon sila rin ang mga taong agrabyado sa napipintong pagsasara ng SMPC sa isla. 

Walang patid ang Simbahan sa pagtuturo na hindi hiwalay ang pangangalaga sa kalikasan at sa tao. Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binigyang-diin ni Pope Francis na kailangang palitan ang fossil fuels, kabilang ang coal na hinuhukay sa Semirara, na sumisira sa ating kalikasan. Mahalaga ang agarang paglipat sa renewable energy sources habang itinataguyod din ang kapakanan ng mga trabahador na mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga coal mining projects. Ito ang tinatawag na just energy transition. Sa Laudate Deum naman na akda rin ni Pope Francis, sinasabing kailangang maging malikhain ang mga lider sa pagbuo ng mga tulong sa mga sektor na maaapektuhan ng paglipat sa mas malilinis na pinagkukunan ng enerhiya. 

Balikan natin ang pastoral appeal ng Diyosesis ng San Jose de Antique. Ilan sa mga mungkahi nito ay ang mga sumusunod. 

Una, tutukan ang pag-develop ng renewable energy sources sa isla. Kaugnay nito, dapat palawakin din ang lokal na ekonomiya nang hindi na umasa sa pagmimina ang mga taga-Semirara.  

Pangalawa, i-retrain at ihanda ang mga maaapektuhang trabahador ng minahan. Siguruhing may sapat silang social protection sa pagkawala ng inaasahan nilang trabaho. 

Panghuli, bilisan ang rehabilitasyon ng lupa at katubigang sinira ng pagmimina. 

Ang lahat ng ito ay maaaring ipaloob sa isang just transition roadmap o sa mga kondisyong itatakda sakaling matuloy ang bidding para sa susunod na kontraktor ng minahan. 

Mga Kapanalig, malinaw ang ugnayan ng kalikasan at buhay ng tao. Katulad nga ng paalala sa Mga Awit 104:24, ang buong mundo ay punô ng nilikha ng Diyos. Nilikha Niya ang lahat ng ito—ang tao at kalikasan—ayon sa Kanyang karunungan. Ang pangangalaga at pagtataguyod sa dignidad ng tao at kalikasan ay magkasabay, hindi kailanman magkasalungat. Kapwa silang dapat piliin. Huwad ang kaunlarang isinasantabi o iniiwan ang alinman sa dalawa.

Sumainyo ang katotohanan. 

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 63,458 total reads

 63,458 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 99,348 total reads

 99,348 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 134,648 total reads

 134,648 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 360,918 total reads

 360,918 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 250,730 total reads

 250,730 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 17, 2026

 1,471 total reads

 1,471 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

Biyernes, Oktubre 16, 2026

 3,135 total reads

 3,135 total reads Biyernes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Eduvigis (Heidi), namanata sa Diyos o kaya Paggunita kay Santa

Read More »

Huwebes, Oktubre 15, 2026

 4,888 total reads

 4,888 total reads Paggunita kay Santa Teresa ng Avila, dalaga at pantas ng Simbahan Efeso 1, 1-10 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4. 5-6 Ang D’yos na

Read More »

Miyerkules, Oktubre 14, 2026

 6,341 total reads

 6,341 total reads Miyerkules ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Calixto I, papa at martir Galacia 5, 18-25 Salmo 1,

Read More »

Martes, Oktubre 13, 2026

 6,906 total reads

 6,906 total reads Martes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 5, 1-6 Salmo 118, 41. 43. 44. 45. 47. 48 Ipahayag mo sa akin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top