LINGGO, PEBRERO 5, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,965 total views

Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Isaias 58, 7-10
Salmo 111, 4-5. 6-7. 8a at 9

Sa dilim ay may liwanag
sa tao na nahahabag.

1 Corinto 2, 1-5
Mateo 5, 13-16

Fifth Sunday in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Isaias 58, 7-10

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ito ang ipinasasabi ng Panginoon:

“Ang mga nagugutom ay inyong pakanin,
patuluyin sa inyong tahanan ang walang tirahan.
Yaong mga tao
na halos hubad na ay inyong paramtan,
ang iyong pagtulong
sa mga kasama ay huwag tatalikdan.
At kung magkagayon,
matutulad kayo sa bukang-liwayway.
Hindi maglalao’t
gagaling ang inyong sugat sa katawan,
ako’y laging sasainyo,
ililigtas kayo at iingatan kahit saang lugar.
Sa araw na iyon,
diringgin ng Panginoon ang dalangin ninyo,
pag kayo’y tumawag,
Ako’y tutugon agad.
Kung titigilan ninyo
ang pang-aalipin at pagsuway sa akin,
at ang masamang salita’y iiwasan,
kung ang nagugutom
ay pakakanin ninyo at tutulungan,
ang kadilimang bumabalot sa inyo
ay magiging tila liwanag sa katanghalian.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 111, 4-5. 6-7. 8a at 9

Sa dilim ay may liwanag
sa tao na nahahabag.

o kaya: Aleluya.

Ang taong matuwid, may bait at habag,
kahit sa madilim taglay ay liwanag.
Ang mapagpautang nagiging mapalad,
kung sa hanapbuhay siya’y laging tapat.

Sa dilim ay may liwanag
sa tao na nahahabag.

Hindi mabibigo ang taong matuwid,
di malilimutan kahit isang saglit.
Anumang balita’y hindi siya takot,
matatag ang puso’t may tiwala sa Diyos.

Sa dilim ay may liwanag
sa tao na nahahabag.

Wala siyang takot hindi nangangamba,
alam na babagsak ang kaaway niya.
Mabait na lubha, lalo sa mahirap,
ang pagiging mat’wid ay di nagwawakas,
buong karangalan siyang itataas.

Sa dilim ay may liwanag
sa tao na nahahabag.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 2, 1-5

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, nang ako’y pumariyan, ipinahayag ko sa inyo ang lihim na panukala ng Diyos, ngunit hindi sa pamamagitan ng malalalim na pananalita o matataas na karunungan. Ipinasiya kong wala akong ipangangaral sa inyo kundi si Hesukristo na ipinako sa krus. Kaya mahina, takot, at nanginginig akong humarap sa inyo. Sa pananalita at pangangaral ko’y hindi ko kayo inakit ng matatamis na pangungusap batay sa karunungan ng tao, kundi sa pamamagitan ng patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan ng Diyos. Kaya’t hindi na karunungan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos nababatay ang inyong pananalig kay Kristo.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 8, 12

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ni Hesukristo:
“Ako ay ilaw ng mundo
at buhay ng alagad ko.”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 13-16

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kayo’y asin sa sanlibutan. Kung mawalan ng alat ang asin, paano pang mapananauli ang alat nito? Wala na itong kabuluhan kaya’t itinatapon na lamang at niyayapakan ng mga tao.

“Kayo’y ilaw sa sanlibutan. Hindi maitatago ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang nagsisindi ng ilaw at naglalagay nito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayun din naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at papurihan ang inyong Amang nasa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Di madali ang pagiging isang tunay na disipulo ng Panginoon at isang apostol, pagkat inaasahang ganap nating isabuhay ang Ebanghelyo. Sa ating kahinaan, manalangin tayo:

Panginoon, gawin mo kaming asin at ilaw sa sanlibutan!

Nawa ang Simbahan ay manatiling tapat sa sarili at sa pagtupad sa misyong inihabilin sa kanya ng Panginoong Hesus. Manalangin tayo!

Nawa ang Santo Papa, mga Obispo, ang kaparian at relihiyoso ay laging maging inspirasyon sa buong pamayanang Kristiyano. Manalangin tayo!

Nawa pukawin ng Banal na Espiritu ang lahat ng tao sa kabanalan ng buhay mula sa paglilihi hanggang kamatayan, at tulungan ang lahat sa ganitong pagpapahalaga. Manalangin tayo!

Nawa pahalagahan ng mga magulang ang kaloob na mga anak at palakihin ang mga itong mabubuti at tapat na Kristiyano. Manalangin tayo!

Nawa mapag-isip ng mga natutuksong magpalaglag ng kanilang anak ang kabigatan ng ganitong kasalanan, at sa halip ay maging bukas nawa silang ipaampon na lang ang kanilang anak. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, totoong ilaw ng sanlibutan, gawin mo kaming matatag sa pagtupad sa aming tungkuling maging asin at ilaw sa sanlibutan. Tulungan mo kami sa pagsisikap na makasunod sa iyong halimbawa at paglabanan namin ang moral na kadilimang bumabalot sa amin. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 24,380 total views

 24,380 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 52,731 total views

 52,731 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 120,461 total views

 120,461 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 143,612 total views

 143,612 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 212,024 total views

 212,024 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 153 total views

 153 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

Huwebes, Hulyo 23, 2026

 1,686 total views

 1,686 total views Huwebes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay Santa Brigida ng Sweden, namanata sa Diyos Jeremias 2, 1-3. 7-8.

Read More »

Miyerkules, Hulyo 22, 2026

 3,376 total views

 3,376 total views Kapistahan ni Santa Maria Magdalena Awit ni Solomon 3, 1-4a o kaya 2 Corinto 5, 14-17 Salmo 62, 2, 3-4, 5-6, 8-9 Aking kinasasabikan,

Read More »

Martes, Hulyo 21, 2026

 5,140 total views

 5,140 total views Martes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng Simbahan Mikas 7,

Read More »

Lunes, Hulyo 20, 2026

 6,262 total views

 6,262 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mikas 6, 1-4. 6-8 Salmo 49, 5-6. 8-9. 16bk-17. 21 at 23 Ang masunurin

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top