Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, SETYEMBRE 17, 2023

SHARE THE TRUTH

 5,113 total views

Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Sirak 27, 33 – 28, 9
Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Roma 14, 7-9
Mateo 18, 21-35

Twenty-fourth Sunday in Ordinary Time (A) (Green)
Cathechist’s Day

UNANG PAGBASA
Sirak 27, 33 – 28, 9

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Ang poot at pagngingitngit ay dapat ding kamuhian;
ngunit sa makasalanan, iyan ay pangkaraniwan.
Natatandaan ng Panginoon ang kasalanan ng bawat tao,
at ang mapaghiganti ay paghihigantihan din niya.
Patawarin mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang,
at pag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman.
Ang nagtatanim ng galit laban sa kapwa,
pag tumawag sa Panginoon, walang kakamtang awa.
Kung hindi ka nahahabag sa iyong kapwa,
paano mong ihihingi ng tawad ang iyong kasalanan?
Kung ikaw na tao lamang, ay nagkikimkim ng galit,
sinong magpapatawad sa iyo sa mga kasalanan mo?
Alalahanin mo ang iyong wakas at pawiin mo ang iyong galit.
Isipin mo ang kamatayan at sundin mo ang Kautusan.
Dili-dilihin mo ang Kautusan at huwag kang magalit sa kapwa;
alalahanin mo ang Tipan ng Kataas-taasan at matuto kang magpatawad.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,
ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,
ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim;
yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway
di na tayo siningil sa nagawang kasalanan.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayon ang pagtingin sa sinumang nagkasala.

Ang ating mahabaging D’yos
ay nagmamagandang-loob.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 14, 7-9

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid, walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay sa kanyang sarili lamang. Kung tayo’y nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayo’y namamatay, namamatay tayo para sa Panginoon. Kaya nga, sa mabuhay o sa mamatay, tayo’y sa Panginoon. Sapagkat si Kristo ay namatay at muling nabuhay upang maging Panginoon ng mga patay at mga buhay.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 13, 34

Aleluya! Aleluya!
Bagong utos, ani Kristo,
mag-ibigan sana kayo,
katulad ng pag-ibig ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 18, 21-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit si Pedro kay Hesus at nagtanong sa kanya, “Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung milyong piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka sa utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw – napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Batid nating tayo’y makasalanan at tungkulin nating magpatawad sa mga nagkasala sa atin. Kaya nga, hilingin natin ang biyayang mahabag at magpatawad, tulad ng Diyos. Itugon nati’y:

Mahabaging Panginoon, dinggin mo kami!

Para sa Simbahang panlahat at lokal: Nawa siya’y maging malinaw na tanda at kasangkapan ng mahabaging pag-ibig ng Diyos sa lahat ng tao. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat nating pinunong espirituwal: Nawa patuloy silang maging inspirasyon namin sa kanilang kagandahang-loob sa lahat ng nagkasala sa kanila. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinunong pambayan at iba pang nanunungkulan: Nawa maging mabuti silang halimbawa sa pakikipagbati at pakikipagtulungan sa kalaban sa pulitika alang-alang sa ikagagaling ng bayan. Manalangin tayo!

Para sa iba’t ibang antas ng lipunan: Nawa sila’ y maging makatarungan sa isa’t isa at magtulungan para sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan at kapayapaan. Manalangin tayo!

Para sa mga naapektuhan ng mga pag-uusig at mga gawa ng mga terorista: Nawa mapatawad nila ang mga may pananagutan sa kanilang sinapit at makatagpo ng katahimikan sa mapagpagaling na pagmamahal ng Diyos. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Manahimk saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, ipagkaloob Mo sa amin ang biyayang maging tanda at kasangkapan ng Iyong mapagpatawad na pagmamahal, at sa gayo’y itaguyod ang kapayapaan ng Kaharian kung saan Ka nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 5,762 total views

 5,762 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 23,746 total views

 23,746 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 43,683 total views

 43,683 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 60,881 total views

 60,881 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,256 total views

 74,256 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Hulyo 21, 2025

 570 total views

 570 total views Lunes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Lorenzo ng Brindisi, pari at pantas ng Simbahan Exodo 14,

Read More »

Linggo, Hulyo 20, 2025

 1,660 total views

 1,660 total views Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Genesis 18, 1-10a Salmo 14, 2-3ab. 3kd-4ab. 5 Sino kayang tatanggapin sa templo ng Poon natin?

Read More »

Sabado, Hulyo 19, 2025

 2,685 total views

 2,685 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Exodo 12, 37-42 Salmo 135, 1

Read More »

Biyernes, Hulyo 18, 2025

 3,441 total views

 3,441 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 11, 10-12. 14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa Panginoong tumubos kalis ng inumi’y

Read More »

Huwebes, Hulyo 17, 2025

 3,443 total views

 3,443 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) Exodo 3, 13-20 Slamo 104, 1 at 5. 8-9. 24-25. 26-27 Nasa isip ng Maykapal

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top