Kapag ginagawang sandata ang batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 304,453 total reads

Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila?

Noong Agosto 3, inaresto sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya ang isang anti-mining leader na si Florentino Daynos II dahil sa mga kasong grave threats at coercion. Ayon sa kanyang abogado, inaresto siya nang hindi man lamang nakatanggap ng subpoena. Kahit na nakapagpiyansa siya kinabukasan, nananawagan ang Council for People’s Development and Governance na ibasura ang walang basehan at mapanupil na mga kaso laban kay Daynos at iba pang mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Kabilang si Daynos sa mga tumututol sa pagmimina sa Nueva Vizcaya. Banta kasi ang pagmimina sa mga sakahan, pinagkukunan ng tubig, biodiversity, at maging sa mga karapatan ng mga katutubo. Hindi rin daw maituturing na tunay na konsultasyon ang ginagawa ng mga mining corporations para makuha ang tinatawag na free, prior, and informed consent mula sa mga maaapektuhang komunidad.

Noong  2025, binigyan ng gobyerno ang Woggle Corporation ng permit para magsagawa ng mineral exploration sa mahigit 3,100 ektarya sa Dupax del Norte. Pero dahil sa matinding pagtutol ng mga residente, pansamantalang sinuspinde ng Mines and Geosciences Bureau (o MGB) ang exploration permit noong Pebrero 2026.

Taóng 2025 din nang bigyan ng MGB at Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ng exploration permit ang North Luzon Mineral Resources Corporation (o NLMRC) upang magsagawa ng paghahanap ng ginto at iba pang mineral sa mahigit 4,000 na ektarya ng lupa sa Kasibu, Nueva Vizcaya. Ang Kasibu ay 39 na kilometro lamang mula sa Dupax del Norte, kung saan matagal nang lumalaban ang mga residente sa mga proyektong pagmimina.

Kapansin-pansin din ang sunod-sunod na paghahain ng mga kaso laban sa mga environmental defenders at iba pang tumututol sa mga mining projects sa Nueva Vizcaya. Naghain ang NLMRC ng cyberlibel complaint laban sa residenteng si Lei Jin Dugay dahil sa isang social media post. Kinasuhan din ng kompanya ang mga abogado ng komunidad na sina Atty. Edgardo Balgos at Atty. Fidel Santos. Maging sina Bishop Jose Elmer Mangalinao at Fr. Christian Dumangeng, na nakiisa sa isang mapayapang community barricade, ay dati ring kinasuhan ng forcible entry. Halimbawa ang mga ito kung paano ginagamit ang batas sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga kaso para takutin at patahimikin ang mga kritiko ng pagmimina.

Tinatawag ng mga human rights at legal groups ang ganitong taktika na Strategic Lawsuits Against Public Participation (o SLAPP). Ito ay mga kasong inihahain hindi para makamit ang hustisya, kundi para takutin, pagastusin, at patahimikin ang mga nagsasalita laban sa mga makapangyarihang interes. Ayon sa Human Rights Watch, dapat ibasura ng mga piskal ang ganitong mga reklamo na ginagamit lamang ng mga kompanya para itikom ng mga tao ang kanilang bibig.

Hindi maihihiwalay ang karapatang pantao sa pangangalaga sa kalikasan. Paalala ni Pope Francis na ang tao ay bahagi ng sangnilikha at hindi maaaring iwalay ang dignidad ng tao sa kalagayan ng kapaligiran Kapag nasisira ang kagubatan, mga ilog, at kabundukan, naaapektuhan din ang kabuhayan, kalusugan, at kinabukasan ng mga taong umaasa sa mga ito. Kaya’t ang pagtatanggol sa kalikasan ay pagtatanggol din sa buhay at karapatan ng tao.

Mga Kapanalig, hindi dapat ituring na krimen ang pagtatanggol sa kalikasan. Lalong hindi dapat gamitin ang batas para patahimikin ang mga taong mapayapang ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Paalala nga ng Kawikaan 17:15: “Ang humahatol sa walang kasalanan at ang umaayon sa kasamaan, kay Yahweh ay kapwa kasuklam-suklam.” Nawa’y manatiling instrumento ng katarungan ang ating mga batas—hindi sandata laban sa mga taong matapang na ipinaglalaban ang tama at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paghilom ng ozone layer

 26,348 total reads

 26,348 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 70,663 total reads

 70,663 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 108,221 total reads

 108,221 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 215,100 total reads

 215,100 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 258,665 total reads

 258,665 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Paghilom ng ozone layer

 26,349 total reads

 26,349 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 70,664 total reads

 70,664 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 108,222 total reads

 108,222 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 215,101 total reads

 215,101 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »
Scroll to Top