7.2-trilyong pisong NEP, isinumite ng DBM kay PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,141 total reads

Isinumite na ng Department of Budget and Management o DBM kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ₱7.2 trilyong National Expenditure Program o NEP para sa 2027.

Pinangunahan ni DBM Secretary Kim Robert de Leon ang pagsusumite ng panukalang pambansang budget ngayong Lunes, Agosto 10, ayon sa anunsyo ni Communications Undersecretary Claire Castro sa isinagawanga press briefing sa Malacañan.

Ayon kay Castro, nakatuon ang panukalang budget sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, seguridad at pagpapalakas ng mga komunidad, alinsunod sa temang People-Centered Growth for an Inclusive and Resilient Future.

Pormal namang ituturn-over ng DBM sa Kongreso ang NEP 2027 bukas, Agosto 11, bilang bahagi ng proseso ng pagbuo at pag-apruba ng pambansang budget.

Flood control projects, isasama sa 2027 budget

Sa hiwalay na pulong balitaan, inihayag naman ni Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Vince Dizon na isasama sa panukalang 2027 national budget ang mga proyekto para sa flood management at flood mitigation.

Ayon sa kalihim, pangunahing tututukan ng ahensya ang pagpapatupad ng mga flood control masterplan at pagkukumpuni ng mga nasirang flood mitigation projects.

“So, tuluy-tuloy lang tayo and ngayon na papasok na ang 2027 budget na isusumite magkakaroon na tayo ng mga flood management at flood mitigation projects sa 2027 budget at naka-focus tayo dito sa mga iba’t ibang interventions na ito,” ayon kay Dizon.

Kasama rin sa prayoridad ang pagpapalakas ng flood control systems sa mga urban area na mataas ang panganib sa pagbaha, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Cebu.

Layunin ng mga hakbang na mapababa ang panganib ng pagbaha at maprotektahan ang mga komunidad, kabahayan at pangunahing imprastraktura.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 106,208 total reads

 106,208 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 139,539 total reads

 139,539 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 171,683 total reads

 171,683 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 237,745 total reads

 237,745 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 250,186 total reads

 250,186 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top