PhilHealth President Edwin Mercado, bagong kalihim ng DOH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,015 total reads

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si PhilHealth President at Chief Executive Officer Edwin Mercado bilang bagong kalihim ng Department of Health o DOH.

Kinumpirma ito ni Communications Undersecretary Claire Castro ngayong Agosto 10.

Papalitan ni Mercado si Dr. Jose Pujalte Jr., na itinalaga bilang kalihim ng DOH noon lamang nakaraang buwan.

Ayon kay Castro, may malawak na karanasan si Mercado sa pamamahala ng mga institusyong pangkalusugan at nagsilbi bilang president at CEO ng iba’t ibang ospital mula 2000 hanggang 2016.

Samantala, itinalaga naman si Dr. Beverly Lorraine Ho bilang Acting President ng PhilHealth.

Si Ho ay kasalukuyang Chief Health Officer ng Ayala Healthcare Holdings Inc. at dati nang nagsilbi sa Department of Health bilang Assistant Secretary noong 2023 hanggang 2024 at Undersecretary noong 2022.

Sinabi ni Castro, na boluntaryong nagbitiw si Pujalte, at hindi sinagot kung may kaugnayan ito sa kasong isinampa laban sa dating kalihim.

“Sa ngayon ay hindi po natin masasagot. Siya naman po ang boluntaryong nag-resign at ito naman po ay tinanggap ng ating Pangulo,” ayon kay Castro.

Dagdag pa ng opisyal, “Kung ito naman po ay nakasampa na po sa Ombudsman, nasa kamay na po ng Ombudsman ang pag-iimbestiga kung anuman po ang naireklamo laban kay dating Secretary Pujalte.”

Ang reklamo laban kay Pujalte ay una nang iniendorso ng Presidential Complaints Center sa Office of the Ombudsman.

Kabilang sinasabing mga alegasyon ang sinadyang pagkaantala sa pagbili o procurement ng mga gamot at iba pang suplay para sa paggamot sa tuberculosis.

Inihain ang reklamo isang linggo matapos itanggi ni Pujalte ang mga alegasyong nag-uugnay sa kanya sa pagsusugal sa mga casino sa Parañaque City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 104,853 total reads

 104,853 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 138,184 total reads

 138,184 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 170,328 total reads

 170,328 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 236,387 total reads

 236,387 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 248,917 total reads

 248,917 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top