TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 302,096 total reads

Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon.

Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa pinagsisilbihan niyang mga Pilipino ang tunay na kalagayan ng bansa na lugmok sa kahirapan ang mayorya ng mamamayan.

Kapanalig, ang Pilipinas ay isa sa pinaka-mahirap sa one-third na mga bansa sa buong mundo. Ito ay dahil sa ilang dekada na “free market policies”.

Ang Pilipinas ay mahirap at low-income na bansa kung saan 70-milyong Pilipino 0 62-porsiyento ng populasyon ay kumikita lamang ng 22,000 libong piso at 10,000-libong piso kada buwan.

Ang bansa ang may pinakamabagal na pag-unlad, malala ang unemployment na mahigit sa 4.9-milyon at pangatlo sa mataas na inflation rate sa Southeast Asia.

Sa ilalim ng administrasyong Marcos, 14.5-milyong Pilipino ang lugmok sa kahirapan, kung saan siyam na milyon ang dumaranas ng gutom.

Sa panunungkulan ni PBBM, naitala ng manufacturing industry ang pinakamaliit na GDP share sa nakalipas na 76-taon sa pangunguna ng agriculture sector.

Ang nakakalungkot Kapanalig, ayon sa Bureau of Treasury, umaabot na sa 19.065-trilyong piso ang utang ng Pilipinas. Sa ilalim ng administrasyon naitala ang pinakamalaking pangungutang at pagbabayad utang sa kasaysayan ng Pilipinas.

Naitala sa kasaysayan ang pinaka-mahinang halaga ng piso. Ito ang mga katotohanang pilit na itinatago ng kasalukuyang pamahalaan.

Ang kasagutan ng administrasyong Marcos sa malalang kahirapan sa bansa… iba’t-ibang uri ng ayuda o dole-out. Sa ganitong sistema, namamayagpag ang korapsyon.

Ang SONA ni PBBM ay pawang mga pangako, wala itong pangmatagalang solusyon sa samu’t-saring problema ng bansa.

Kapanalig, hanggat hindi nababago ang mga polisiya ng pamahalaan na pumapabor lamang sa iilan, hinding-hindi makakamit ng Pilipinas ang pinapangarap na inclusive growth.

Hindi nakakahiyang aminin, ilatag… ipaalam sa mamamayang Pilipino ang tunay na kalagayan ng bansa. Bagkus, makakatulong ito para sama-samang tugunan ang suliranin.

Kapanalig, sinasabi sa Catechism of the Catholic Church (page:612) “Truthfulness keeps to the just mean between what ought to be expressed and what ought to be kept secret: it entails honesty and discretion.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,526 total reads

 77,526 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,288 total reads

 172,288 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,556 total reads

 216,556 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,665 total reads

 239,665 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,309 total reads

 311,309 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 77,528 total reads

 77,528 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,290 total reads

 172,290 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,558 total reads

 216,558 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,667 total reads

 239,667 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top