Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MARTES, MARSO 14, 2023

SHARE THE TRUTH

 2,696 total views

Martes ng Ika-3 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Daniel 3, 25. 34-43
Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9

Poon, iyong gunitain
ang pag-ibig mo sa amin.

Mateo 18, 21-35

Tuesday of the Third Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Daniel 3, 25. 34-43

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Daniel

Noong mga araw na iyon, tumindig si Azarias at dumalangin: “Alang-alang sa iyong karangalan, huwag mo kaming itakwil habang panahon; huwag mong putulin ang iyong tipan sa amin. Muli mo kaming kahabagan, alang-alang kay Abraham na iyong minamahal, kay Isaac na iyong lingkod, at kay Israel na iyong pinabanal. Ipinangako mong pararamihin ang kanilang lahi gaya ng mga bituin sa langit at ng buhanginan sa tabing-dagat. Subalit ngayon, Panginoon, kami ay naging pinakamaliit na bansa. Dahil sa aming mga kasalanan, kami ang pinaka-aba ngayon sa sanlibutan. Wala kaming hari, mga propeta, o mga tagapanguna ngayon. Walang templong mapag-alayan ng mga handog na susunugin, mga hain at kamanyang; wala man lamang lugar na mapaghandugan upang kami ay humingi ng awa mo. Ngunit lumalapit kami sa iyo ngayon na bagbag ang puso at nagpapakumbaba. Tanggapin mo na kami na parang may dalang mga baka, mga guya at libu-libong matatabang tupa na susunugin bilang handog sa iyong harapan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog, upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso. Walang nagtiwala sa iyo na nabigo. Simula ngayon, buong puso kaming susunod sa iyo, sasamba at magpupuri sa iyo. Huwag mo kaming biguin. Yamang ikaw ay maamo at mapagkalinga, kahabagan mo kami at saklolohan. Muli mong iparanas sa amin ang iyong kahanga-hangang pagliligtas, at sa gayo’y muling dakilain ang iyong pangalan, Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 24, 4bk-5ab. 6-7bk. 8-9

Poon, iyong gunitain
ang pag-ibig mo sa amin.

Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,
ituro mo sana sa aba mong lingkod;
ayon sa matuwid, ako ay turuan
ituro mo, Poon, ang katotohanan;
Tagapagligtas ko na inaasahan.

Poon, iyong gunitain
ang pag-ibig mo sa amin.

Poon, gunitain, pag-ibig mong wagas,
at ang kabutihang noon pa’y nahayag.
Pagkat pag-ibig mo’y hindi nagmamaliw,
ako sana, Poon, ay alalahanin!

Poon, iyong gunitain
ang pag-ibig mo sa amin.

Mabuti ang Poon at makatarungan,
sa mga salari’y guro at patnubay;
sa mababang-loob siya yaong gabay,
at nagtuturo ng kanyang kalooban.

Poon, iyong gunitain
ang pag-ibig mo sa amin.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Joel 2, 12-13

Magsisi tayong mataos,
halinang magbalik-loob
sa mapagpatawad na D’yos;
sa kanya tayo’y dumulog
at manumbalik na lubos.

MABUTING BALITA
Mateo 18, 21-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit si Pedro at nagtanong kay Hesus, “Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung milyung piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka ng utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw – napakasama mo!’ Sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayun din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikatlong Linggo ng Kuwaresma
Martes

Manalangin tayo sa Diyos upang tayo, ang kanyang bayang nakararanas ng kanyang pagpapatawad, ay maghatid ng kagalakan ng pagkakasundo sa mundo.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin Mo kaming tagapaghatid ng iyong kapayapaan.

Ang Simbahang pinalaya ng Dugo ni Kristo nawa’y mamuhay sa pagkakasundo at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Simbahang Kristiyano nawa’y mapagsama sa ilalim ng nag-iisang ebanghelyo ng pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mag-asawa nawa’y matutong magpatawad at umunawa sa isa’t isa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ating lahat nawang matutuhan ang habag ni Jesus upang tayo ay makapagpatawad sa isa’t isa mula sa puso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng kapayapaan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, lagi mo nawa kaming palakasin ng iyong pag-ibig at habag, at tulungan kaming maghandog ng pagpapatawad sa iba. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 11,056 total views

 11,056 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 16,643 total views

 16,643 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 22,159 total views

 22,159 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 33,280 total views

 33,280 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 56,725 total views

 56,725 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 89 total views

 89 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 354 total views

 354 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 525 total views

 525 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »

Huwebes, Oktubre 31, 2024

 709 total views

 709 total views Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 6, 10-20 Salmo 143, 1. 2. 9-10 Ang Poon ay papurihan, siya ang aking sanggalang. Lucas 13, 31-35 Thursday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Efeso 6, 10-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Sa wakas,

Read More »

Miyerkules, Oktubre 30, 2024

 944 total views

 944 total views Miyerkules ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 6, 1-9 Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 13kd-14 Ang Poong Diyos ay tapat, pangako n’ya’y magaganap. Lucas 13, 22-30 Wednesday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Efeso 6, 1-9 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga anak,

Read More »

Martes, Oktubre 29, 2024

 1,135 total views

 1,135 total views Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 5, 21-33 Salmo 127, 1-2. 3, 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot sa D’yos. Lucas 13, 18-21 Tuesday of the Thirtieth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Efeso 5, 21-33 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga

Read More »

Lunes, Oktubre 28, 2024

 1,218 total views

 1,218 total views Kapistahan nina Apostol San Simon at San Judas Efeso 2, 19-22 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang mga tinig. Lucas 6, 12-19 Feast of Sts. Simon and Jude, Apostles (Red) UNANG PAGBASA Efeso 2, 19-22 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, hindi na

Read More »

Linggo, Oktubre 27, 2024

 1,620 total views

 1,620 total views Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Jeremias 31, 7-9 Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6 Gawa ng D’yos ay dakila kaya tayo’y natutuwa. Hebreo 5, 1-6 Marcos 10, 46-52 Thirtieth Sunday in Ordinary Time (Green) Prison Awareness Sunday UNANG PAGBASA Jeremias 31, 7-9 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias Ito ang sinasabi ng

Read More »

Sabado, Oktubre 26, 2024

 1,857 total views

 1,857 total views Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Efeso 4, 7-16 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 13, 1-9 Saturday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on

Read More »

Biyernes, Oktubre 25, 2024

 1,993 total views

 1,993 total views Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 12, 54-59 Friday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Efeso 4, 1-6 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga

Read More »

Huwebes, Oktubre 24, 2024

 2,176 total views

 2,176 total views Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo Efeso 3, 14-21 Salmo 32, 1-2. 4-5. 11-12. 18-19 Awa’t pag-ibig ng Diyos sa sangkalupaa’y lubos. Lucas 12, 49-53 Thursday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. Anthony Mary Claret, Bishop (White) UNANG

Read More »

Miyerkules, Oktubre 23, 2024

 2,338 total views

 2,338 total views Miyerkules ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya San Juan Capistrano, pari Efeso 3, 2-12 Isaias 12, 2-3. 4bkd. 5-6 May galak tayong sumalok sa batis ng Manunubos. Lucas 12, 39-48 Wednesday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John of Capistrano, Priest (White) UNANG PAGBASA Efeso 3,

Read More »

Martes, Oktubre 22, 2024

 2,461 total views

 2,461 total views Martes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Pablo II, papa Efeso 2, 12-22 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y papayapa. Lucas 12, 35-38 Tuesday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green) or Optional Memorial of St. John Paul II, Pope (White) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Oktubre 21, 2024

 2,655 total views

 2,655 total views Lunes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 2, 1-10 Salmo 99, 2. 3. 4. 5 Tayo’y sa D’yos, sa D’yos lamang, tayong lahat na nilalang. Lucas 12, 13-21 Monday of the Twenty-ninth Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Efeso 2, 1-10 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa

Read More »

Linggo, Oktubre 20, 2024

 2,932 total views

 2,932 total views Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Isaias 53, 10-11 Salmo 32, 4-5. 18-19. 20 at 22 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y aming hilig. Hebreo 4, 14-16 Marcos 10, 35-45 o kaya Marcos 10, 42-45 Twenty-ninth Sunday in Ordinary Time (Green) Sunday for Cultures UNANG PAGBASA Isaias 53, 10-11 Pagbasa mula sa aklat ni

Read More »
Scroll to Top