Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mental Health Awareness Month

SHARE THE TRUTH

 70,567 total views

Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito. 

Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot niya ang kanyang mga potensyal, nahaharap niya ang mga stress ng buhay, at nakapagtatrabaho siya nang produktibo. Kakabit ng mental health ang mental wellness, na hindi lamang nangangahulugan ng kawalan ng sakit kundi isang panghabambuhay na proseso ng pagpapatatag sa mental, emosyonal, sosyal, at sikolohikal na kapasidad ng isang tao. Sa madaling salita, ang pangangalaga sa mental health ay isang paraan upang siguruhing matatag, malusog, at lumalago ang isang indibidwal. 

Maraming maling akala kaugnay ng mental health. Halimbawa, hindi lahat ng may mental health problem ay may mental health disorder. Ang mental health disorder ay clinically diagnosed o natukoy ng isang doktor. Disorder na ito kung labis na nakaaapekto na ang kalagayan sa pag-iisip ng isang tao sa kanyang pagiging functional o produktibo. Ang mental health problems ay mga temporary o pansamantalang kondisyon bilang reaksyon ng isang tao sa mga pangyayari sa kanyang buhay. Maaaring tingnan ang mental health bilang isang continuum—mula sa pagiging malusog (o healthy), reaktibo (o reacting), sugatan (o injured) hanggang sa may karamdaman (o ill). Iba-iba ang karanasan ng bawat indibidwal depende sa kung nasaan sila sa continuum

Dahil dito, kailangan nating maging maingat sa ating mga pananaw at pananalita kaugnay ng mental health. Ayon sa isang pag-aaral, hindi baba sa lima sa bawat sampung tao (o 56%) ang nagsabing ayaw nilang makisalamuha o makipag-socialize sa mga taong may suliranin sa kanilang mental health. Nasa 58% naman ang ayaw makipagtrabaho sa mga taong may ganitong kondisyon. Ipinakikita ng mga ito ang stigma na ikinakabit sa mental health na umaabot pa sa diskriminasyon sa mga taong may mental health problems at disorders

Maliban sa pagiging bukás sa usapin ng mental health at sensitibo sa mga taong may mental health problems at disorders, dapat ding pangalagaan ng batas ang mental health ng bawat isa. Dapat paigtingin ang pagpapatupad sa Republic Act No 11036 o ang Mental Health Act. Mahalaga ring mapag-usapan ang mga isyung may kaugnayan sa mental health sa media, mga paaralan, at lugar ng pinagtatrabahuhan. Ang tema nga ng Mental Health Awareness Month sa taóng ito ay “It’s Time to Prioritize Mental Health in the Workplace.” Hinihimok ng temang ito na pag-usapan kung paano nakaaapekto ang trabaho sa mental health ng mga manggagawa—mula sa haba ng oras at bigat ng trabaho, work-life boundaries, komunikasyon sa trabaho, hanggang sa pagkakaroon ng sapat na sahod. 

Pangkabuuan o holistic dapat ang pagtingin sa mental health. Ang pangangalaga sa mental health ay personal at panlipunang responsabilidad. Para kay Pope Francis, dapat na nating bawasan ang atensyon sa pagiging produktibo lamang ng isang lipunan, at ibaling ito sa halip sa pagbubuo ng mga komunidad. Nakatungtong ang panawagan ng Santo Papa sa turo ng Simbahan tungkol sa dignidad ng tao. Ang halaga ng tao ay hindi nakabatay sa kung ano o gaano karami ang kaya niyang likhain, kundi sa kanyang dignidad na mula sa pag-ibig ng Diyos. 

Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng buwang ito, nawa’y huwag matapos ang pag-uusap at pagpapabuti ng mga serbisyong kaugnay ng mental health. Ipinangako ng Diyos sa Deuteronomio 31:8 na “sasamahan Niya” tayo, kaya’t gawin din natin ito sa mga kapatid nating may mga mental health problems at mental health disorders. Patuloy din tayong manawagan para sa mas maayos na kalagayang paggawa para mapangalagaan ang mental health ng mga naghahanapbuhay. 

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 8,668 total views

 8,668 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 19,798 total views

 19,798 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 45,159 total views

 45,159 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 55,768 total views

 55,768 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 76,621 total views

 76,621 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Online gambling, kinundena ng CBCP

 5,144 total views

 5,144 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Listahan ng mga bagong opisyal ng CBCP

 13,351 total views

 13,351 total views Kasabay ng paghalal sa mga bagong pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naghalal din ng mga bagong chairperson sa mga

Read More »

RELATED ARTICLES

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 8,670 total views

 8,670 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 19,800 total views

 19,800 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 45,161 total views

 45,161 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 55,770 total views

 55,770 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 76,623 total views

 76,623 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 91,502 total views

 91,502 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 110,526 total views

 110,526 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 93,200 total views

 93,200 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 125,818 total views

 125,818 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 122,834 total views

 122,834 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »
Scroll to Top