Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,545 total reads

Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga.

Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte sa Blue Ribbon Committee ng Senado, kaugnay sa iniimbestigahang extra judicial killings na dulot ng war against illegal drugs.

“Kahit ano mang pagtatakip at paligoy-ligoy na pagpapaliwag, hindi maikaka-ila na may utos sa kapulisan ang dating pangulo na patayin ang sino mang may kinalaman sa “drug trade,” ayon kay Fr. Secillano sa ipinadalang mensahe sa Radio Veritas.

Pinuri naman ng pari ang paninindigan ni Senador Riza Hontiveros na panatilihin ang dignidad ng Mataas na Kapulungan sa ipinakitangg kawalang paggalang ng dating pangulo.

“Saludo ako sa paninindigan ni Sen. Hontiveros. Di hamak na siya lang ang tumayo para isalba ang dignidad ng Senado sa kawalan ng respeto ng dating Pangulo.”pahayag ni Fr.Secillano
Humarap ang dating pangulo, sa kauna-unahang pagdinig sa Senado at itinangging ipinag-utos niya sa mga pulis ang pagpatay, sa halip ay bigyang pagkakataon ang mga drug suspect na manlaban, para bigyang katwiran ang mga pagpaslang.

Sa ulat ng Philippine National Police, may anim na libo katao ang naitalang nasawi sa police operations kaugnay sa ilegal na droga.

Naniniwala naman si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante Jr. na ang walang pag-aalinlangang pag-ako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na siya lamang ang may pananagutan sa libu-libong pagkamatay sa drug war ay maaaring magbigay daan para sa pagsasampa ng kaso sa lokal at international criminal court.

Ang 73-taong-gulang na dating pangulo, na kilala sa kanyang mga kontrobersyal na pahayag, ay nagdeklarang hindi dapat kuwestyunin ang kanyang patakaran, nang walang pagsisi at paliwanag sa kaniyang ginawa.

Sinabi Abante, chairman ng House Committee on Human Rights at bahagi ng Quad Committee na nag-iimbestiga sa mga alegasyon ng extrajudicial killings na ang pahayag ng dating pangulo ay maaaring magdulot ng higit pang legal na implikasyon.

Sa pagdinig ng Senado, inamin din ng dating Pangulo ang paglikha ng seven-man hit squad o ang Davao Death Squad (DDS)- na pinangunahan ng mga dating hepe ng Philippine National Police (PNP) kabilang na si Sen. Ronald Dela Rosa—noong siya ay alkalde ng Davao City, isang usapin na dati niyang itinanggi.

Iginiit ni Abante na ang mga pahayag ni Duterte ay nagbibigay ng sapat na batayan sa mga ahensya tulad ng Department of Justice (DoJ), Office of the Ombudsman, at iba pang mga kaugnay na awtoridad na magsimula ng kanilang imbestigasyon.

Sa katuruan ng simbahan tungkol sa pag-amin ng kasalanan ay naglalayong ipakita ang kahalagahan ng pagtanggap ng mga pagkakamali, ang proseso ng pagsisisi, at ang kapangyarihan ng kapatawaran.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 11,137 total reads

 11,137 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 194,017 total reads

 194,017 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 225,749 total reads

 225,749 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 327,572 total reads

 327,572 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 368,129 total reads

 368,129 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 380,841 total reads

 380,841 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top